Advertisers

Advertisers

Billboard Nina Alex, Mommy Pinty At Daddy Bonoy Sa Chef Ayb’s Paragis Agaw Pansin; Ate Vi at Lucky Parehong Malakas Sa Gubernatorial Survey, Lucky Namigay Ng Wheelchair Sa Liblib Na Lugar Sa Batangas

0 19

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

DAHIL mga sikat sa social media sina Alex Gonzaga at parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na pare-parehong napapanood sa kanilang mga Youtube Channel at Tiktok. Agaw pansin sa mga motorista ang billboard ng pamilya Gonzaga para sa ineendorso nilang Herbal Tea and Capsules ng Chef Ayb’s Paragis. At ang ang bongga nilang endorsers dahil one week after ng kanilang media launch ay tumaas agad ang sales ng Chef Ayb’s Paragis at agad na nag-out of stock pa ito.

Hindi lang kasi sa Pinas kilala ang mga produkto ni Chef Aybs patok din ito sa iba’t ibang bansa. Saka millions ang followers nina Alex, Mommy Pinty sa kanilang social media accounts kaya marami sa fans and supporters nila ang bumibili ng pino-promote nilang Herbal Tea and Capsules. Saka very effective naman talaga sa kalusugan ang mga ito at andaming health benefits.



We heard na may mga naka-line up pang endorsements si Alex na ka-join ang kanyang Mommy Pinty sa kanilang endorsements na Eyeberry. Mapapanood niyo sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang BoPin Gonzaga Vlog sa kanilang Youtube channel na as of presstime ay meron nang 1.67 million subscribers and still counting. Samantalang si Alex ay may 14.4M subscribers sa kanyang Official YT channel. So fabulous di ba? Kaya inggit pikit na lang sa kanilang detractors na pawang pangit!

***

DESERVED pareho ng mag-mommy Vilma Santos at Lucky Manzano kung pareho silang malakas at number one sa Gubernatorial Survey na milya-milya ang layo ng Vi&Lucky Talino at Puso tandem sa Lipa, Batangas sa kanilang mga kalaban. Yes, si Ate Vi na running for Governor again ay pumalo sa 66.5% sa latest Batangas Province Gubernatorial Survey na triple ang agwat sa kanyang katunggali. Samantalang lamang naman si Lucky sa botong 1,006 o 37.9% percent ng kabuuang boto sa Vice Gubernatorial Race Survey sa kalabang si Dodo Mandanas ng PDP-Laban na meron lamang 813 o 30.6% na boto. Well, sa pag-iikot nina Ate Vi at Lucky para sa kanilang kampanya sa mga bayan ng Cuenca, Mataas Na Kahoy, Bauan, Santa Teresita, Balete, Talisay, Ibaan, Nasugbu, Lian at Calatagan Batangas Etc, naramdaman ng mga Batangueño ang sinseridad ng mag-ina na magsisilbi nang tapat at maayos sa kanila. Nakita na nila ito kay Ate Vi nang umupo itong Mayor at Gobernadora ng Lipa, Batangas sa mahabang panahon. Saka lahat ng plataporma nina Ate Vi at Lucky ay para sa kapakanan ng minamahal nilang mga kababayan. Nakita niyo naman talagang isinakripisyo ni Lucky ang kanyang career na hindi alintana na mawalan ng endorsements na milyon-milyong pera ang kikitain.

Ang importante sa TV host/Actor/Businessman ay makapaglingkod siya sa Lipa kasama si Ate Vi kapag pinalad na maluklok bilang Bise Gobernador. Saka imagine, walang imposible kay Lucky, para sa tulong na gusto niyang maipaabot. Yes, nagpunta si Lucky at ang kanyang team sa liblib na lugar sa Batangas para personal na ihatid ang regalo niyang wheelchair sa ama ng tahanan. Mana si Lucky sa kanyang Mommy Vi, na binibigyan ng prayoridad at importansya ang mga mahihirap na kababayan. Kumbaga serbisyong may Puso talaga plus Talino! By the way, paangat din ang pangalan sa mga survey ang bunsong anak ni Ate Vi na si Ryan Christian na tumatakbong Congressman sa 6th District ng Batangas. Well, malapit na ang election, maghahanap pa ba kayo ng iba?

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">