Advertisers

Advertisers

3 foreign diplomats nakipagpulong kay PBBM

0 7

Advertisers

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matatamo ang pangmatagalang kapayapaan, pag-unlad, at mas matibay na diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at ng Colombia, Cambodia, at Ukraine.

Ito ang naging pahayag ni PBBM matapos tanggapin ang credentials nina Ambassador Edgar Rodrigo Rojas Garavito ng Colombia, Ambassador Sin Saream ng Cambodia, at Ambassador Yuliia Oleksandrivna Fediv ng Ukraine.

Sa kanilang pulong ni Ambassador Garavito, binigyang-diin ng Pangulo na may malawak pang oportunidad para palakasin at palawakin ang ugnayan ng Pilipinas at Colombia.



Tugon naman ng embahador, kapwa hangad ng dalawang bansa na makamit ang pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad.

Samantala, tiniyak ni Ambassador Saream ng Cambodia ang kanyang dedikasyon sa pagpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng magkabilang panig para sa kapakinabangan ng parehong bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Ambassador Fediv ng Ukraine ang kanyang kahandaan na pag-ibayuhin ang bilateral relations ng dalawang bansa, partikular aniya sa mga kolektibong pagsisikap na nagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at paggalang sa isa’t isa.

Bilang tugon, muling ipinahayag ni Pangulong Marcos ang matibay na suporta ng Pilipinas sa mga hakbang na naglalayong makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">