Advertisers
BINIRA ng magiting na abogadong labor-leader na si Luke Espiritu ang pahayag ni Vice President Sara Duterte-Carpio na baka magaya si ex-President “Digong” Duterte kay yumaong dating Senador “Ninoy” Aquino na pinatay pagbaba sa eroplano sa airport noong 1983.
Bomba ni Luke, maraming pagkakaiba sa pagitan nina Digong at Ninoy na kailanman ay ‘di puwedeng maikumpara ang dating pangulo sa pinaslang na dating senador.
Sa speech kasi ni Sara sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa The Hague, Netherlands noong Linggo, Marso 23, sinabi niyang sa tuwing binibisita niya ang kanyang erpat sa detention facility ng ICC, tinatanong sa kanya ng huli kung maiuuwi siya sa Pilipinas. Pero binalaan daw niya ito na baka magaya lang kay Ninoy kung uuwi ito ng bansa.
Reak ni Luke, isang senatorial candidate sa 2025 midterm election, sa Facebook post nitong Lunes, Marso 24:
“The nerve! Yung tatay mo takbuhin, tumakbo sa China di lang napagbigyan, si Ninoy hinarap ang bala ng mga Marcos.
‘Yung tatay mo mamamatay-tao, si Ninoy lumaban para sa karapatang pantao. Yung tatay mo ang nagpalibing sa pumatay kay Ninoy sa libingan ng mga bayani.”
Bira pa ni Luke: si Digong ang “instrumental sa pagbalik ng mga Marcos sa kapangyarihan,” habang si Aquino naman ang “naging instrumental para sila bumagsak.”
Giit pa ni Luke: “Pag pinatay tatay mo, ang tawag diyan ay justice. Noong pinatay si Ninoy, ang tawag dun ay injustice.”
“Ispesyal na katangian at pambihirang level ng kapal ng mukha ang kailangan para ‘di mo mapansin ang kontradiksyon sa mga sinasabi mo.”
Ang laki ng tama ni Luke, ano mga pare’t mare? ‘Di nakakibo ang mga DDS eh. Hehehe…
Matatandaan… Agosto 21, 1983 nang barilin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Ninoy, kilalang brutal na kritiko ng erpat ni Pangulong “Bongbong” na si late President Ferdinand Marcos, Sr., matapos ang 3 taon na pagka-exile niya sa Amerika.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Digong matapos siyang arestuhin Marso 11, 2025 dahil sa kasong “Crimes against humanity” kaugnay ng madugong ‘giyera kontra droga’ ng kaniyang administrasyon.
Ayon sa mga abogadong may karanasan sa ICC, tatagal ang pagdinig sa kaso ni Digong ng hanggang siyam na taon. Na kapag nahatulan ay hindi ito bababa sa 30 taon.
Si Digong ay 79 anyos na ngayon. Araguy!!!
***
Inanunsyo ni reelectionist Senator “Bato” Dela Rosa na ang kanyang security detail ay winidro na ng Philippine National Police matapos ang pag-aresto kay Digong noong Marso 11 ng taon.
Well, ang nararanasan ngayon ni Bato ay ginawa rin nila noon sa kanilang mga kalaban sa politika. Weder weder lang talaga. Hehehe…
Si Bato, dating Chief PNP ni Digong, ang utak ng ‘Tokhang’ kaugnay ng war on drugs kungsaan sinasabing higit 30,000 ang pinaslang, rason kaya nakakulong ngayon sa ICC ang dating pangulo.
Sinasabing susunod na si Bato sa mga ipaaaresto ng ICC. Kaya naman nagtatago na ito, at hinding hindi raw siya pahuhuli sa international police.
Subaybayan!!!