Advertisers

Advertisers

VIRGINIA RODRIGUEZ NAGPASALAMAT SA 38th PMPC STAR AWARDS AT FAMAS SA IGINAWAD NA AWARD, TULOY ANG ADBOKASIYANG PANG PAMILYANG PILIPINO

0 19

Advertisers

TAOS-PUSONG nagpapasalamat si Ms. Virginia Rodriguez sa natanggap niyang pagkilala mula sa 38th PMPC Star Awards at sa FAMAS Prestige Awards bilang Philanthropist of the Year at Outstanding Entrepreneur in Agribusiness at sa kanyang pagiging philanthropo sa pagsuporta sa kapwa Pilipino, lalo na sa mga kapuspalad.

“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ng parangal na ito lalo na sa mga kinatawan ng PMPC at FAMAS. Malaki ang naging tulong ng inyong suporta sa aking mga adhikain, at tinitiyak ko na ipagpapatuloy ko ang aking misyon na tulungan at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino,” ayon kay Rodriguez na tumanggap ng parangal na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Broadcasting Center Compound noong ika-38 Star Awards.

Bilang isa sa mga awardees ng PMPC prestihiyosong nagpatibay ni Rodriguez ang kanyang reputasyon sa larangan ng agribusiness at sa pagpapatupad ng kanyang adbokasiya at layunin, na naging bunga sa pagtaas ng rating ng ATEACHER party list sa iba’t ibang poll survey.



Sa natanggap na parangal, ipinahayag ni Rodriguez na ipagpatuloy Niya ang mga programa sa pagtutok sa pagpapakain, tulad ng libreng pagkain sa mga estudyante, at mga Senior Citizens pagbibigay ng dagdag na benipisyo at libreng sako ng bigas sa mga guro, at pagpapabuti ng kagamitan sa pagsasaka para sa mga lokal na magsasaka gamit ang modern tecknick at modern technology sa Agrikultura.

Ang PMPC award at Famas award ay isa sa mga kahanga-hangang listahan ng mga parangal ni Ms. Rodriguez, bukod pa sa pagkakahirang na isang espesyal na awardee para sa GLOBAL FILIPINO ICON AWARD, na nakatakdang gawin sa Abril 5, 2025, sa Dusit Thani sa Dubai. Bukod dito, kinilala din siya bilang isa sa 100 Women In Charge ng pamosong IN-Charge Magazine.

Bukod pa rito, pinarangalan siya ng Amerika Prestige Awards bilang Outstanding Filipino Woman Leader ngayong taon, na kinikilala ang kanyang pambihirang pamumuno at makabagong pamamaraan at mga kontribusyon sa sektor ng agrikultura at edukasyon sa Pilipinas.

Kinilala ng PMPC at FAMAS ang kanyang mga pagsisikap sa pagsusulong ng agrikultura at edukasyon sa loob ng bansa, gayundin ang kanyang pakikilahok sa mga hakbangin upang suportahan ang mga mahihirap na magsasaka.

Siya ang may akda ng aklat na pinamagatang “Leave Nobody Hungry,” ang agricultural book na inilathala ngayon panahon ni President Ferdinand Marcos Jr.



Higit pa sa kanyang mga natatanging kontribusyon at tagumpay sa agrikultura, imprastraktura, at pagsasaka, binibigyang-inspirasyon niya ang mga pamilyang Pilipino sa buong bansa sa kanyang katapangan, diwa, empatiya, at dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad.

Ang kanyang kahusayan ay hindi lamang sa kanyang mga tagumpay sa akademya kundi pati na rin sa iba pang lugar kung saan nagsusulong siya ng modernong pamamaraan ng agrikultura at mga hakbang para mapabuti ang buhay ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Siya lamang ang may eksklusibong kaalaman sa pagtuklas ng isang nuri ng organikong pataba na nagpapataas ng ani sa agrikultura.

Si Rodriguez din ang nakatuklas ng bitamina na may potensyal na gamutin ang kanser at tuluyan ng mawala ang sakit na Cancer sa ating bansa.