Advertisers

Advertisers

TSIS SA 2028

0 62

Advertisers

MAUTAK si Tsis sa pulitika. Gagamitin niya ang impeachment trial ni Misfit Sara upang iposisyon ang sarili bilang kandidato ng China sa 2028. Batid niya naubos na ang natitirang lakas ng mga Duterte. Hindi na makakaporma ang sinuman sa kanila upang agawin ang poder sa mga Marcos sa 2028.

Hindi makakasagot si Misfit Sara sa mga bintang laban sa kanya. Sisibakin siya ng Senado sa impeachment trial umpisa sa Hulyo upang hindi makaporma sa 2028. Hindi maisasalba ni Misfit Sara ang political career niya pagkatapos ng impeachment trial. Tutuluyan siya upang hindi na muling makasali sa anumang halalan sa hinaharap.

Ito ang pagkakataon na hinihintay ni Tsis. Pagkakataon niya na kunin ang espasyo ni Misfit Sara. Sisikapin niyang makuha ang suporta ng mga Duterte sa pulitika. Ito ang susi upang makuha niya ang suporta ng China sa 2028.



Babalong ang halos walang hanggang suporta ng Peking sa kanya upang magkaroon ng tsansa sa 2028. Dadaloy ang salapi ng China sa kandidatura ni Tsis. Sino ang makakapagsabi na siya ang susunod na pangulo ng bansa? Manalo o matalo sa halalan sa 2028, mayaman si Tsis dahil sa suporta ng China. Walang talo si Tsis kahit kapiranggot, sa aming pagtaya.

Ito ang kabuuan ng pulitika ni Tsis. Kung hindi siya sisibakin bilang pangulo ng Senado, susunggabin niya ang pagkakataon. Gagamitin niya ito upang makaposisyon sa 2028. Manalo o matalo, marami siyang salapi na pangretiro. Batid namin na nababasa si Tsis ng kampo ni BBM. Hindi siya hahayaan na lumipad.

***

TEKA, teka. May isang mahalagang impormasyon galing sa kampo ni Bong Go na nagsasabing siya ang may pinakamalakas na tsansa sa 2028 kung hindi siya madadamay sa kasalukuyang gulo humaharap sa mga Duterte. Ipinoposisyon siya bilang ang kandidato ng Davao City laban sa sinumang kandidato ng Luzon o Kabisayaan.

Bahagi si Bong Go ng grupong Davao City na namayagpag sa pulitika ng mahalal si Gongdi bilang pangulo noong 2016. Siya ang matapat na alalay ni Gongdi. Hindi nakasama sa The Hague dahil naitsa puwera ni Maj. Hen. Nick Torre sa kaguluhan ng ika-11 na Marso ng dumating ang grupo ni Gongdi mula Hong Kong at inilipad sa The Netherlands.



Tampulan ng masamang biro si Bong Go dahil bumili lang siya ng pizza para sa nagugutom na Gongdi, ngunit pagbalik niya, kanselado na ang gate pass niya at hindi na siya kasama hanggang ilipad si Gongdi papunta sa The Hague. Mas may tsansa na manalo kung si Bong Go ang isasagupa sa 2028 at hindi si Tsis o Misfit Sara.

Hindi namin alam kung totoo ito ngunit sa aming pagtaya, masyadong matining o optimistic ang kanilang paniwala na may laban si Bong Go sa 2028. Hindi ito magugustuhan ni Misfit Sara o ni Tsis. May malaking tsansa ang alila?

Maaaring manalo si Bong Go sa halalan sa Mayo 12, ngunit tandaan ninyo, hindi makakaupo ang matapat na alalay dahil sabit siya sa madugo pero bigong war on drugs ni Gongdi. Siya ang bagman na namigay ng salapi bilang pabuya sa mga salarin. Hindi palulusutin si Bong Go kahit iharap pa niya ang bilyon na ninakaw nila ni Gongdi.

Batid namin na gagamitin ang ganitong napakagandang tingin kay Bong Go upang ibando na siya ang nais ni Gongdi na mamuno sa pangkat ng Davao City sa 2028. Ngunit may malaking kung. Kung hindi siya sabit sa gulo ni Gongdi. Kahit si Misfit Sara ay hindi matutuwa na iharap si Bong Go. Wala kasi siyang winning face, sa totoo lang.

***

TULUYAN ng naglaho si Bato. Nawala na parang bula. Nagtatago siya dahil sa matinding takot na madakip at dalhin sa The Hague kahit hindi pa bumababa ang kanyang arrest warrant. May batayan kung bakit ganito katindi ang kanyang kaba. Si Bato ang lumagda ng Memorandum Circular 1 na naglunsad sa Project Double Barrel, ang programa sa war on drugs ni Gongdi na gumamit sa PNP bilang institusyon ng pagpuksa sa mga pinaghihinalaang adik at tulak ng droga. Itinuturing si Baton a arkitekto at pangunahing tagapagpatupad ng madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi.

Alam ni Bato na sabit siya. Hindi lang basta sabit kundi siya ang pangunahing karakter nagtulak ng malawakan at maramihang extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng administrasyon ni Gongdi. Sa aming tantiya, kung sakaling manalo si Bato sa halalan dahil sa boto ng nahuhuling sektor (backward sector), hindi siya muling makakaupo sa Senado. Markado na siya bilang isa sa mga akusado sa war on drugs ni Gongdi.

Sila ang bumubuo sa dalawang alalay ni Gongdi sa war on drugs: Bato sa pagpapatupad ng utos; at si Bong Go, ang bagman. Hindi kumpleto ang pagdakip kay Gongdi kung hindi isasama si Bato at Bong Go – sa pinakamadaling panahon.

***

EPEKTIBONG naputulan ng bagwis ang mga vlogger ni Gongdi. Pero hindi ito kumpleto hanggang hindi natutukoy ang kanilang mastermind, o ang utak na nagbibigay sa kanila ng pondo. Bistado na sila sa publiko at totoong ipinahiya na sila dahil sa mga kasinungalingan na ikinakalat sa publiko. Pero maiging matukoy kung sino ang utak.