Advertisers
TOTOO sa kanyang pangako,pormal nang ipinagkaloob ni Philippine Olympic Committee president Cong.Abraham “Bambol Tolentino ang kanyang pangako sa atletang Pilipino na magbibigaý ng karangalan sa bansa.
Tulad ng ipinagkaloob na house and lot sa unang nakapag- Olympic gold medal noong Tokyo Olympics na si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz Naranjo gayundin kina boxers Eumir Marcial , Carlo Paalam at Nesthy Petecio na pawang naka-silver at bronze din sa Tokyo, tatlong bahay at lote rin ang inihandog ng Alkalde ng Tagaytay City kina Paris Olympics gold medalist gymnast Carlos Yulo at bronze medalists lady boxers Aira Villegas at Petecio uli.
Pormal na iniabot ni Bambol ang simbolikong susi nitong weekend sa tatlong magigiting na atletang Pinoy na walang pagsisidlan ng galak dahil tunay sa kanyang promise si Bambol sa kanyang mahal na atletang treasure ng bansa.SANA ALL!
Gayundin si Senator Francis ‘Tol Tolentino na tinupad ang kanyang mga pangakong serbisyo sa bayan noong mahalal siyang senador ng Republika noong 2019.
Ngayon ay tumatakbong reeleksiyonista si TOL at ipinangangakong muli na paiigtingin pa ang kanyang serbisyo sa masang Pilipino
Iyan ay napatunayan na at muli niyang tutuparin sa panibagong mandato.
Kumbaga sa basketball kahit anong koponan ang kinabibilangan dahil star player ay tiyak na magdedeliver. Iyan si TOL!