Advertisers
Dinala sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City noong Lunes, Marso 24 ang Chinese businessman na si Tony Yang.
“At around 1 p.m. [on Monday], Mr. Yang complained of congested chest pains and showed the on-duty PAOCC personnel his blood-covered handkerchief,” ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang statement nitong Martes, Marso 25.
Dagdag pa nito, na-diagnose si Yang na may hinihinalang tuberculosis at chronic obstructive pulmonary disease.
Tatlong magkasunod na araw na rin anilang umuubo ng dugo si Yang.
“He has been released while waiting for the confirmatory results of his laboratory tests,” saad pa ng PAOCC.
Nahaharap si Yang sa mga reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation na falsification of public documents, perjury at paglabag sa batas na nagsasabing kinakailangan ng judicial authority bago makagamit ang sinuman ng alyas maliban sa pseudonym para sa literary purposes.
Kapatid si Yang ni Michael Yang, dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na itinanggi na ang kanyang mga negosyo sangkot sa mga ilegal na POGO sa pagdinig ng Quad Committee.
Inamin ni Tony Yang na isa siyang Chinese national na gumamit ng Filipino identity at pekeng birth certificate para makapagtayo ng mga negosyo sa Pilipinas.