Advertisers

Advertisers

Sa pagsabing ‘suso’ at ‘dila’ gamit sa pamamahagi ng ayuda…EX-CONG. ERICE NASAMPAHAN NG PAGLABAG SA ANTI-BASTOS LAW

0 251

Advertisers

SA kanyang kabastusan, sinampahan ng kasong paglabag sa ‘Anti-Bastos Law’ si dating Congressman Edgar “Egay” Erice nitong Martes sa City Prosecutor’s Office ng Caloocan City.

Ang legal action ay isinampa mismo ni Caloocan City incumbent 2nd District Representative Mitch Cajayon-Uy, dahil sa mga bastos na pahayag ni Erice laban sa Kongresista na naganap sa isang ‘caucus’ sa harap ng kanyang mga supporter at mga minor na nakikinig.

“Below the belt” na ang mga kabastusang binitawan ni Erice sa caucus na iyon, ayon kay Cajayon-Uy, kaya’t minarapat niya itong sampahan ng kaukulang kaso.



Tinuran ng babaeng mambabatas ang kumakalat na video ni Erice sa harap ng kanyang mga taga-suporta kungsaan may mga kabataan pang nakikinig, at nilait ng husto si Cajayon-Uy sa mga salita nitong binitawan na gamit daw ng mambabatas ang “dila” at “suso” nito sa pamamahagi ng “ayuda”.

Labis na kinabahala ito ni Cajayon-Uy dahil mismong si Erice naman ay may ina, asawa at anak na babae na tila ‘di narin nito ginalang.

Ani Cajayon-Uy, naninindigan lamang siya upang ipagtanggol ang kanyang karapatan bilang isang babae, sa mga nagawang kabastusan ni Erice. Kaya minarapat na niyang sampahan ng kaso ang kanyang kalaban sa pulitika sa darating na halalan.

Kasama sa reklamo ng mambabatas ang pagbabayad ni Erice ng P100 milyong danyos sakaling mapatunayan ng hukuman na nilabag ni Erice ang Anti-Bastos Law.

Matatandaan na si Erice ay diniskwalipika na ng Commission on Elections sa pagtakbo nito bilang 2nd District Representative ng Caloocan City dahil sa mga kabastusan at malisyosong pahayag na kanyang ibinato kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia.