Advertisers

Advertisers

Pulis, 3 pa timbog sa P136m shabu sa Baguio City

0 78

Advertisers

ARESTADO ang isang puis at tatlong kasamagan nito nang makuhanan ng P136 million halaga ng shabu sa buy bust operation sa Baguio City nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Arvin Targa, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 11.02 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA RO NCR, PDEA RO CAR, at Philippine National Police sa South China Sea Green Valley Subdivision, Barangay Dontogan, Baguio City.

Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek ang 20 piraso ng heat-sealed transparent plastic pack ng shabu na may timbang na 20,000 kilograms na nagkakahalaga ng P136 million, cellular phones, buy-bust money, baril at isang sasakyan at firearm, identification cards.



Sumasailaim ang mga naaresto sa imbestigasyon, habang ang mga nasamsa na mga droga ay isasailaim sa pagsusuri. (Mark Obleada)