Advertisers

Advertisers

P2-M SA MAKAPAGTUTURO SA PUMATAY SA 3 KATAO SA BULACAN

0 20

Advertisers

INANUNSYO ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, direktor din ng Region 3, nitong Martes, Marso 25, na magbibigay ang PNP ng P2 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek sa isang shooting incident sa Bulacan.

Naganap ang shooting incident sa San Rafael, Bulacan noong Biyernes, Marso 21. Pinaulanan ng bala ng gunmen ang isang SUV na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo katao.

Iniulat ng News5 nitong Lunes, Marso 24, na ang isa sa tatlong biktima ay empleyado ng isang tumatakbong congressman sa Bulacan.



Ayon kay Fajardo, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, at mayroon na raw silang leads na sinusundan, na pinaniniwalaan nilang makapagtuturo sa kanila sa mga salarin.(Thony D. Arcenal)