Advertisers
NAISALPAK ni Devin Booker ang 20-foot jumper sa 1.7 segundong natitira para ibigay sa Phoeninx Suns ang 108-106 wagi laban sa bisitang Milwaukee Bucks Lunes ng gabi sa Footprint Center.
Kevin Durant nagtala ng 38 points,eight rebounds at five assists para sa Suns (35-37) na nakupo ang kanilang apat sunod-sunod na laro. Booker nagdagdag ng 19 points at 12 assists, Ryan Dunn may 12 points at nine rebounds at Nick Richards bumakas ng 10 points at 10 rebounds para sa Phoenix.
Ito ang unang pagkakataon na ginabayan ni Mike Budenholzer ang Phoenix laban sa Milwaukee matapos sibakin ng Bucks noong 2002-23 season. Ginabayan ni Budenholzer ang Bucks sa 2020-21 NBA title.
Giannis Antetokounmpo umiskor 31 points,10 rebounds at five assists para sa Bucks (40-31), na nalaglag sa 2-2 sa five -game trip.Brook Lopez nagdagdag ng 23 points at 10 rebounds.