Advertisers

Advertisers

Mayoral Aspirant Sa Maynila Na Si Super Mahra Tamondong Pinagkaguluhan Sa Muslim Town Sa Quiapo, Mga Kapatid Na Muslim Handa Na Siyang Iboto!

0 11

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

SA kanyang pagbaba sa Maynila mula pa noong 2021, inalam lahat ni Super Mahra Tamondong ang hinaing ng mga kababayan mula sa mga dating administrasyon at kasalukuyang administrasyon ng Maynila.

At hindi siya katulad ng ibang kandidato na namimili lang ng gusto nilang puntahan para ikampanya ang kanilang mga sarili. Si Super Mahra ay nagpupunta sa iba’t ibang distrito sa Maynila hindi para ikampanya ang kanyang sarili sa pagtakbong Mayor ng Manila. Kundi gusto niyang ihatid ng personal ang kanyang mga tulong at ayuda at marinig ang kuwento ng mga Manilenyo sa sitwasyon ng buhay ng mga ito. At niyakap ni Super Mahra, hindi lang ang mga kapatid na Kristiyano, maging ang kapatid na Muslim na binabalewala ng mga namumuno sa Maynila ay binigyan niya ng pansin at pinulong para marinig ang mga problema at hinaing ng mga ito. Kaya naman sa selebrasyon ng Ramadan 2025 na tatagal hanggang March 31. Nang mag-ikot si Super Mahra kasama ang running mate na bise na si Remy Oyales at ilang ka-team na Councilors sa Muslim Town sa Quiapo, sinalubong si Super Mahra ng mga lider ng Muslim Community at sila ay nag-usap. At muling narinig nito ang kanilang hangad na magkaroon ng sariling opisina sa City Hall ng Maynila para maging venue ng mga kapwa nila Muslim kapag may gusto silang ipaabot kay Super Mahra, kapag ito ang pinalad na mahalal na bagong Mayor ng lungsod ng Maynila.



Nais din nilang magkaroon ng polisiya na susundin ng bawat isa sa kanila. Lahat kasi ng kanilang hiling na ito ay hindi pinansin ng lahat ng mga naging lider ng Maynila kaya’t nakikita nilang si SM (Super Mahra) ang kanilang natitirang pag-asa. Palakpakan ang lahat nang sabihin ni Super Mahra na once nakaupo na siya ay may sarling upisina ang Muslim Community sa City Hall. Hindi lang yan bibigyan rin sila ng karagdagang benipisyo na manggagaling sa 65 billion pesos na pondo ng Maynila. Nag-donate rin ito ng para sa Iftar Food ng mga Muslim. Samantala, nag-tour na rin si Super Mahra at ang kanyang Team sa Muslim Town na makikita ang malaking Mosque. At natutuwa si Super Mahra na isinisigaw ng mga Muslim ang kanyang pangalan. At maraming nagpa-picture sa kanya. At lahat ng ipinangako niya ay kanyang tutuparin. Handang-handa na rin ang mga kapatid nating Muslim sa kanilang mga boto para kay Super Mahra at buong Team nito ngayong May 12, 2025 Midterm Election.

Number 9 pala sa balota ang Super Hero ng mga Senior Citizens at maraming Manileños. Yes, tunay ngang mapagmahal at may ginintuang puso si Super Mahra kaya’t maraming Manilenyo na solid at loyal na mga nagmamahal at sumusuporta rin sa kanya. Ang parehong loyal vlogger-supporters ni Super Mahra na sina Ms. Annie Cipcon at Romeo Gile ang nag-cover ng kanyang pagbisita sa Muslim Town.