Advertisers

Advertisers

‘MAY 18 – JUNE 30 TRIAL SAPAT NA UPANG MA-CONVICT SI SARA’

0 19

Advertisers

NANINIWALA ang isa sa mga abogado ng mga biktima ng Extra Judicial Killing (EJK) na dapat nang simulan ang impeachment trial ngayong Mayo 18 matapos ang May 12 elections upang mabigyan muna ng pagkakataon ang incumbent senators na tumatakbo sa kasalukuyan upang kanilang matapos ang kanilang pangangampanya.

Sa isang radio interview, sinabi ni dating Congressman Neri Colmenares na dapat tutukan ng prosecution ang isa hanggang sa dalawang kaso upang sa ganoon ay mapaiksi ang paglilitis at agarang makuha ang conviction bago ang Hunyo 30, huling araw ng 19th Congress.

Naniniwala si Colmenares na maraming magaganap na legal complications sa sandaling ma-delay ang trial, at kung ito ay magaganap pa sa 20th Congress na hahawakan ng mga senador na maluklok na uupong judges.



Isa sa tinukoy ni Colmenares na maari rin kuwestyunin ng kampo ni Duterte sa Korte Suprema ang hurisdiksyon ng 20th Congress sa paglilitis sa kanya.

Tinukoy ni Colmenares na matapos ang botohan sa Mayo 12 at agarang pasimulan ang paglilitis sa Mayo 18 ay malaki ang posibilidad na maigawad ang conviction bago ang Hunyo 30 kung tututukan lamang ng prosecution ang paggamit ni Duterte sa P125 milyong government money sa loob lamang ng 11 araw na kungsaan, aniya, ay mayroong matibay na ebidensya.

Dagdag pa ni Colmenares, mayroon naman kasalukuyang rules na maaring gamitin sa paglilitis at ito ay ginamit noong ma-convict si dating Chief Justice Renato Corona.