Advertisers

Advertisers

Marian naka-move on na sa mga pinagseselosang tsiks kay Dingdong

0 23

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

INAMIN ni Marian Rivera na talagang selosa siya noon, pero hindi raw siya basta nagseselos nang walang dahilan at walang sapat na ebidensiya.

Kapag may kakaibang feelings siya sa mga babaeng nakakausap o nakakasalamuha ng asawa niyang si Dingdong Dantes ay hindi siya basta-basta mananahimik at dedma lang.



Ayon pa kay Marian, ang babae, hindi basta magseselos kung walang dahilan. Nature raw ng babae iyan.

At siya nga raw, kapag may nakita o napapansin na may ibang babae na nagpi-flirt sa mister niyang si Dingdong ay talagang nagri-eact siya.

“My God napakaipokrita nu’n. No, no, no for me. Kapag may sitwasyon na nakikita mong alanganin, magre-react ka talaga,” sabi ni Marian.

Ang mali lang daw niya noon, super react agad siya sa mga pinagselosang babae nang hindi muna kinakausap si Dingdong.

Ayun lang, nagre-react agad ako doon sa babae. Dapat pala kay Dong ako nagre-react.”



Walang binanggit na mga pangalan si Marian ng mga babaeng pinagselosan niya noon pero naka-move on na raw siya at napatawad na ang mga ito.

***

SA podcast nila ni Tuesday Vargas na “Your Honor” na birthday episode ni Buboy Villar, ni-reveal niya na may bago na siyang jowa na si Khrizza Mae Sampiano o Isay, at may isa na silang baby na si Kyruz o Kyrie na 3 month old na

Ayon kay Buboy, nagsimula ang love story nila ni Isay nang i-message niya ito online.

At ang baby nila ay bininyagan na rin nitong weekend, kung saan kabilang sa tumayong ninong at ninang ng bata ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young.

Natanong si Buboy kung ano ang pinaka- major requirement niya sa muling pagpasok sa isang relasyon.

“Number one rule ko talaga, siyempre may mga anak ako. At pinakagusto ko talaga, bago ‘yan, bago mo ‘ko mahalin, gusto ko lang sana maintindihan mo ‘yung sitwasyon ko.

“Meron akong dalawang anak at kailangan mas mahal mo sila, kasi sila ang buhay ko. Ngayon, ‘pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako.

“Hahawakan kita hindi sa para sakalin, hahawakan kita at aalagaan kita hangga’t sa makakaya ko,” aniya.

Itinuturing ni Buboy na answered prayer at “blessing in disguise” ang pagdating ni Isay sa buhay niya after seven years of being single.

“First time ko maranasan na, siya lang ‘yung parang laging nakikinig sa ‘kin. Parang ako pa nga ‘yung nagsasabing, ‘may gusto ka bang i-share sa ‘kin?

“Kaya siguro din, Madam Chair (Tuesday), aaminin ko din, kaya kami biniyayaan ng isang sanggol. Kaya kami nagkaroon ng baby din,” rebelasyon nga ni Buboy.

Talaga raw inilihim muna niya ang tungkol sa bago niyang pamilya, “Ayoko ‘yung parang mapangunahan siya ng mga tao, kasi alam mo naman, may social media, ang daming magagaling.

Parang, kung alam mo ‘yung pinanghahawakan namin ngayon, masaya na kami du’n. Hindi na kailangan mandamay pa ‘yung ibang tao, manghimasok na ‘yung ibang tao,” dagdag ng komedyante.

“Proud ako. Proud ako sa karelasyon ko. Proud ako sa baby namin. Proud ako na mahal niya kami, mga anak ko,” sabi pa niya.

Sinorpresa rin ni Isay si Buboy sa programa with matching birthday cake, “Happy birthday, Dy. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ika ‘yung binigay niya sa ‘kin.”

Hirit pa niya kay Buboy, “And sana bawasan mo na ‘yung pag-iinom mo. Lagi lang ako naka-support sa ‘yo through ups and downs, alam mo ‘yan.