Advertisers
Ni Edwin Moreno
GATASAN ngayon nina Marcial at Brodfit gamit ang CIDG-Padilla at PNP Antipolo sa dekada ng salot na STL -con JUETENG ni alyas John Yap at LOTTENG ni Bong Zola.
Ayon sa insider ng “Kalawit”, half legal at half illegal ang STL -con JUETENG ni Yap dahil nagbibigay ito ng daan-libong PAYOLA sa ilang tiwaling PNP opisyal ng Rizal PNP at Calabarzon4A.
Bukod d’yan, meron din itong lingguhang PAYOLA sa ilang Office of the Mayor na ang ilan ay ikinokolekta nina Marcial at Brodfit.
Si Brodfit naman ang nagpapakilalang kolektor ng isang opisyal ng Antipolo PNP na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Ryan Manongdo.
Teka! Kernel, baka po madawit kayo sa katarantaduhan ni Brodfit.
TILA naman ginigisa ni alyas Marcial sa sa SARILING MANTIKA itong si alyas John Yap na gambling operator ng STL -con JUETENG sa lalawigan ni Governor Nina Ynares.
Sa insider ng “Kalawit” sa bolahan ni Yap si alyas Marcial ay empleyado nito at may lingguhang sahod at komisyon.
Pero ang masakit na katotohanang hindi alam ni Yap may ilang lubog na unit o BUTAS itong si Marcial na lingguhang PAYOLA galing sa milyong pisong koleksyon ng STL -con JUETENG ni Yap na may 3 bola sa SA isang araw.
Kapwa dekada na ang salot na pasugalan Nina Yap at Zola, ngunit tila bulag at bingi itong si Rizal PNP Provincial director Col. Felipe Maraggun at Gov. Ynares.
Tanong tuloy ng NGO’s ng lalawigan, kung may lingguhang timbre sina Yap at Zola sa ilang tiwaling alkalde, hepe at barangay opisyal, kina Gov. Ynares at Col. Maraggun daw po kaya?
Abangan: Ang kasunod, ang laki ng koleksyon nina Marcial at Brodfit ibubunyag.