Advertisers

Advertisers

Kawatang kasambahay sinulatan ang amo ng pagnanakaw

0 14

Advertisers

TINANGAY ng 53-anyos na kasambahay ang mahigit P200K cash ng kanyang amo sa Solsona, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon ng Solsona Police, nadiskubre ng amo na nawawala ang kanyang pera dahil nag-iwan ng sulat ang kasambahay at nag-abiso sa kanyang boss na tinangay niya ang pera.
Dito nakumpirma na nawawala ang steel vault na may lamang P300K cash.

At sa pagresponde ng pulisya, nahanap ang steel vault sa kanal na nasa harap ng bahay.



Narekober din ang mahigit P70K.

Sa pag-review sa CCTV, nakita nila ang kasambahay na itinapon ang steel vault sa kanal pati narin mga papel na pinaniniwalaang pera.

Pinaghahanap na ngayon ang pulisya ang kasambahay.