Advertisers

Advertisers

Kakai aminado, pinagnanasaan si Piolo

0 16

Advertisers

Ni Archie Liao

IGINIIT ni Kakai Bautista ang kanyang paniniwala na hindi porket matandang dalaga o binata ang isang tao ay malungkot ang kanilang mga buhay.
Aniya, para sa kanya, okey lang ang single blessedness.

Sa guesting niya sa online show na “Your Honor”, in-address niya ang isyung ito.



“O ano pakialam ninyo kung matandang dalaga ako?,”aniya.

Hirit pa niya, ang desisyon ng isang tao na patali ay isang valid choice.

“Usually sa culture natin ang laging sinasabi, ‘Malungkot ‘yan kasi single.’ Totoo ba?” bulalas niya. “Gaganu’nin ko lang, ‘Sure ka malungkot ako? ‘Ano ba masama sa single blessedness? Hindi masama ‘yon, kasi choice ‘yun eh. Ibig mong sabihin masamang tao ang mga madre kasi single blessedness ang pinili nila?” dagdag niya.

Inirason pa niya ang mga taong fulfilled at successful sa kanilang buhay sa kabila ng pagiging single.

“Sila rin, ganoon ang buhay nila. Single sila forever, pero ang karelasyon nila, si Lord,” paliwanag niya.



Nagbigay din ng payo ang singer-comedienne sa mga katulad niyang single tungkol sa lovelife.

“Kasi nga guys, ang ikli ng buhay naman. Go lang nang go, pero huwag mong kalilimutang maging responsible and mahalin mo rin ang sarili mo. So dapat go nang go pero responsible,” ani Kakai.

Sa naturang episode, inilahad din ni Kakai na bukas siya kung sakaling foreigner ang kanyang magiging nobyo.

“Kasi dati, ayaw ko pang tsumika sa afam. Ngayon gusto ko nang tsumika,” hirit niya.

Inilatag din niya ang kanyang kondisyon sa mga dayuhan na susubukan siyang ligawan.

“Ang sinasabi ko lang lagi sa mga afam, if you want to date me or see me, you have to go to the Philippines. Or you have to make a way just to see me. Make a big effort,” sey ng komedyana.

Paliwanag pa ni Kakai, mahalaga ang effort sa parte ng isang foreigner dahil kung sakali, magiging long-distance ang relasyon.

Ibinahagi rin ni Kakai ang kanyang naging karanasan sa Switzerland noon kung saan may nagpakilala sa kanyang afam na nag-alok na ibili siya ng drink.

“Siyempre nagpanggap akong pakipot. ‘No, I can buy my own drink,’” sagot ni Kakai sa foreigner.

Kahit nagtuloy-tuloy daw ang kanilang komunikasyon, wala raw namang nangyari sa paramdam sa kanya dahil tila hindi naman ito naging seryoso sa intensyon nito sa kanya.

Samantala, inilahad din ni Kakai na si Piolo Pascual ang celebrity na kanyang “pinagnanasaan.”

“Ang pinagnanasaan ko forever, Piolo Pascual. Kasi iba talaga ‘yung karisma niya tsaka ‘yung ang bait, ang guwapo,” pagtatapos niya.

***
Pagsusumite ng entry sa Cinemalaya 2025 shorts, bukas na

Bukas na ang pagsusumite ng mga kalahok sa ika 20 edisyon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival para sa taong 2025 para sa short film category.

Sa mga interesado, ang deadline ng submission ay itinakda sa Mayo 16, 2025 hanggang alas 6 ng hapon.

Ang patimpalak na ito ay bukas sa lahat ng Pinoy filmmakers.

Sa mga lalahok, puwede silang magsumite ng tatlong entries subalit isa lamang ang maikukunsidera bilang finalist.

Ang mga isinumiteng kalahok ay dapat na naiprodyus mula Marso 8, 2024 hanggang Mayo 16, 2025.

Ang mga short films naman na naging kalahok na sa ibang local at international film festivals at competitions ay kuwalipikado pa ring sumali sa Cinemalaya.

Gayunpaman, kapag ang entry ay napili bilang finalist sa Cinemalaya at Gawad Alternatibo, ang nasabing kalahok ay isasali sa Cinemalaya sa halip na Gawad Alternatibo.

Ang entry ay puwedeng isumite online o offline.

Sa online application, ang mga interesado ay inaanyayahang magsumite ng requirements sa pamamagitan ng https://forms.gle/NbgnaybpZ7jMvQ9W9.

Para naman sa offline submission, ang entries ay puwedeng ipadala sa Film, Broadcast, and New Media Division office, sa Cultural Center of the Philippines Annex Building, Vicente Sotto St. corner Magdalena Jalandoni St., Pasay City.