Advertisers

Advertisers

Junior Altas giniba ang Staglets, swak sa semifinals

0 6

Advertisers

GINIBA ng University of Perpetual Help System Dalta Altas ang San Sebastian College-Recoletos,104-69, para manateli sa tuktuk ng team standings at e-book ang semifinals berth sa NCAA Season 100 juniors basketball tournament Martes sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ang Junior Altas ni head coach Joph Cleopas ay nagpakita ng determinasyon at matibay na depensa sa boung laro para maangkin ang kanilang ika-pitong tagumpay sa walong laro.

Ang Las Piñas City-based squad ay pinamunuan ni 6-foot-7 Lebron Jhames Daep na nagtapos ng 20 points,6 rebounds, at assists at steal sa 20 minutong aksyon.



JD Pagulayan, na nagpasabog ng apat na 3-pointers sa laro, nagdagdag ng 15 points, 4 rebounds at 3 assists para sa Junior Altas.Jan Roluna at Louie Rosales nag-ambag ng 11 at 10 points,ayon sa pagkakasunod.

Hangad ang kanilang kauna-unahang juniors basketball crown,ang Tamayo-owned institution ang unang team na nakarating sa final four sa nagpapatuloy na tournament.

Samantala, ang Staglets ay pinamunuan ni Sanlea Penaverde na pomuste ng double-double performance 25 points, 11 rebounds,6 steals at assists. Benedick Jimenez umiskor rin ng 25 points para sa San Sebastian,na nalaglag sa 2-6 sa team standings.