Advertisers

Advertisers

16 units ng text blasters mula POGO nakumpiska sa Tarlac

0 21

Advertisers

Nakumpiska sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Anti-Cybercrime Group ang 16 text blaster, na ginagamit sa text scam at fake news.

Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director PBGen Jean S. Fajardo, kinilala ang nadakip na suspek na isang alyas Ray, 28- anyos sa bayan ng Paniqui sa lalawigan ng Tarlac.

Una nang natukoy ang suspek nang makita sa social media ang pagbebenta ng text blasters, sa mababang presyo na P9.000.00 mula sa original na halaga nito na P100,000.00 bawat isang unit.

Naniniwala si PRO3 Dir. PBGen, Fajardo, malaki ang posibilidad na nagmula ang mga machine ng text blasters sa mga ni-raid na Pogo Hub sa Pampanga at Tarlac.

Ayon sa mga opisyal ng ACG at NTC maaring magamit sa text scam at paggawa ng fake news, ang naturang electronic machine.

Sinabi naman ni PBGen Bernardo R. Yang, Acting Director ng Anti-Cybercrime Group na ang bawat simcard kayang magpadala ng text scam at fake news sa 200 iba’t-ibang cellphones ng sabay-sabay.
Ibig sabihin ang 32 simcard x 200=6,400 text scam, suma total 16×32=512× 200 = aabot sa higit 102,400 katao ang makakatanggap ng fake news at text scam.

Nabatid na walang brand name ang text blasters, maliban sa Chinese characters.

Aminado rin ang mga opisyal na maaari rin magamit ito ng mga politiko sa pagpapakalat ng fake news.

Samantala paglabag sa section 4(a)(5) [misuse of device] of RA 10175 and Section (Sec.) 1 of Act No. 3846 “An Act Providing for the Regulation of Radio Stations and Radio Communications in the Philippine Islands, for other purposes,” in relation to Sec. 6 of Republic Act (R.A.) No. 10175 otherwise known as “Cybercrime Prevention Act of 2012” ang isasampa na kaso laban sa suspek.(Thony D. Arcenal)