Advertisers

Advertisers

Wanted sa kasong kidnapping sa Caloocan, nàsakote sa Bulacan

0 20

Advertisers

Nasakote sa isang matagumpay na enforcement operation ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station ang 32-anyos na pugante na wanted sa kasong Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention.

Naaresto ang wanted person sa Barangay Bahay Pare, Meycauayan, Bulacan, 9:30, Sabado ng gabi.

Isinagawa ng CCPS Intelligence Section, sa pamumuno ni PCol. Edcille V Canals, Chief of Police, na may koordinasyon sa Meycauayan Bulacan Police Station sa bisa ng warrant of arrest na nagresulta sa pagkadakip sa pugante.



Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na nakakulong na ngayon.

Nagpaabot naman ng papuri si PCol. Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police District sa isinagawang pagsisikap ng pulisya na matunton at maiselda ang mga nagtatago sa batas lalo ang mga responsable sa mga bayolenteng krimen.(Beth Samson)