Advertisers

Advertisers

SP Chiz kinumpirma ang liham ni Bersamin na humihiling ng ‘executive privilege’

0 14

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senate President Chiz Escudero na nakatanggap siya ng liham mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin na humihiling ng “executive privilege” kaugnay ng imbestigasyon ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sumulat sa akin, sumulat din kay Chairperson ng kumite, Sen. Imee Marcos,” wika ni sa Escudero sa press briefing sa Senado.

Matatandaang sa naging pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, na pinamumunuan ni Senadora Imee Marcos noong Marso 20, ay giniit ni Justice Secretary Boying Remulla ang executive privilege nang matanong tungkol sa naging pag-uusap ng mga miyembro ng Gabinete at ni Pangulong Marcos noong Marso 10 kaugnay ng natanggap nilang impormasyon na may arrest warrant nang lalabas laban kay Duterte.



Ayon kay Escudero, sumulat sa kanya at kay Senadora Imee si Executive Secretary Lucas Bersamin tungkol sa executive privilege.

Sa naturang liham, pinunto na sa ilalim ng executive privilege ay maaaring panatilihing confidential ng Malacañang ang laman ng pag-uusap ng Pangulo at mga miyembro ng kanyang Gabinete.

Sinang-ayunan naman ni Escudero ang legalidad ng paggiit ng executive privilege, batay na rin aniya sa isang desisyon ng Korte Suprema.

Ang binigyang-diin lamang ng Senate leader ay hindi aniya dapat gawing dahilan ang executive privilege para hindi dumalo ang mga miyembro ng Gabinete sa pagdinig ng Senado.

Kaugnay nito, sinabi ni Escudero na hindi siya tumugon sa liham ni Bersamin mula nang matanggap ito noong Marso 20, kasabay ng Senate inquiry.



“Ang posisyon ko kaugnay ng executive privilege, hindi ito pwedeng gamiting bilang isang blanket privilege,” hirit ni Escudero. (Mylene Alfonso)