Advertisers
Ni Archie Liao
SA mediacon ng launch ng kanyang awiting “Narito Lang Ako” kamakailan, naurirat ang Revival King na si Jojo Mendrez hinggil sa estado ng relasyon nila ng dating Starstruck finalist na si Rainier Castillo.
Nabibigyan kasi ng malisya sa social media ang madalas na sighting nilang dalawa pagkatapos na kumalat ang pa-flowers at pa-beso ni Mark Herras sa magaling na singer.
Aniya, as much as possible ay ayaw na raw sana niyang magkomento dahil nabibigyan ng iba’t ibang kulay o interpretasyon ang kanyang mga pahayag.
Gayunpaman, sa ngalan daw ng katotohanan ay kailangan niyang magsalita.
Tahasang nilinaw niya na walang ‘something’ sa kanila ni Rainier maliban sa pagkakaibigan katulad ng pagtanggi niya kay Mark.
“Wala pong ganoon. Tingnan ninyo, ang nasa isip n’yo na iyong ganun kasi ayun iyong nababasa natin sa social media, napapanood natin. Kaya andoon na iyong judgment na talagang meron na nangyayari,” aniya.
“Kumbaga, kahit i-explain ko wala nang maniniwala. Kung idedeny ko naman, sasabihin nagsisinungaling. Kaya hindi ko alam kung saan ako lalagay sa ganyang sitwasyon,” dugtong niya.
Hindi naman niya ikinaila na nakilala niya si Rainier sa pamamagitan ni Mark.
Dito rin daw nabaling ang kanyang atensyon noong panahong bet niyang makipag-collab kay Mark.
“In-introduce siya sa akin ni Mark… parang nagkayayaan tapos noong nakikilala ko na si Rainier, si Mark naman naging busy. Halimbawa, dapat lalabas kami o may gagawin sa labas na ano, or mag collab kami whatever, lagi siyang hindi available,” bulalas niya.
“At that time, ang available lagi is si Rain–– si Buboy–– siya lagi available… Kaya laging madalas yung pagkikita namin nung tao,” pahayag niya.
Hindi rin niya ikinaila na naging close sila ni Rainier.
Katunayan, sumasangguni raw ito sa kanya hinggil sa out of town shows na natatanggap na kanya namang pinapayuhan bilang isa nang kabisado ang pasikot-sikot sa industriya.
Meanwhile, hindi naman napigilan ni Jojo ang maiyak nang magkaroon ng surprise appearance si Rainier sa kanyang mediacon para batiin niya.
Aniya, na-appreciate raw niya ang gesture na iyon ng isang tunay na kaibigan.
Ang kanyang kauna-unahang orihinal na kanta ay komposisyon ng award-winning songwriter na si Jonathan Manalo para sa Star Music PH.
Makahulugan ang mensahe ng awitin tungkol sa isang taong may lihim na pag-ibig sa isang kaibigan na handa siyang damayan sa lahat ng pagkakataon.
Bukod sa “Nandito Lang Ako”, nakahanda ring i-revive ni Jojo ang ” Tamis ng Unang Halik” na unang pinasikat ni Tina Paner.
Si Jojo ay naging bukambibig nang i-revive niya ang “Somewhere in My Past” na inawit noon ni Julie Vega.