Advertisers
Sa American edition ng Family Feud ay naging paksa ang most-jersey sold in NBA history.
“ Give me the top 4 best- selling jerseys of all time in the NBA in a survey we did among 100 people, wika ni Steve Harvey, ang host ng programa.
Ang lumitaw na mga tamang sagot ay 1 LeBron James 2. MIchael Jordan 3. Kobe Bryant 4. Steph Curry. Dalawa sa maling hula ay kay Allen Iverson at Kevin Durant.
Pero yan ay base sa survey na kanilang ginawa. Inalam natin mula sa opisyal source ang tunay na top four.
Ayon sa NBA store ang unang apat sa pagkasunod-sunod ay kina Muchael Jordan, Kobe Bryant, LeBron James at Magic Johnson.
Ang pulang #23 ni His Airiness sa Chicgo ang numero uno sa lahat.
Kung mapapansin ninyo ay 3 sa 4 ay mga mula sa Los Angeles Lakers. Ibig sabihin Lakers ang pinakapopular na koponan.
Sa apat ay si LBJ na lang aktibong player. Marahil pwede pa siyang makahabol kina MJ at Black Mamba sa listahan.
Siyempre ang mga figure na ito ay hindi kasama mga unofficial sale o pirated copy.
***
Gaya ng prediksyon ni Tata Selo ay malamang mahabang serye ang PBA Finals ngayon. Eka ni Tatang ay aabot ng Game 6 o 7 yan.
Tumpak siya dahil 3-2 na sa panalo ng Ginebra sa Game 5
Pwede tapusin ng Barangay sa Game 6 pero pupukpok pa ang Tropang Giga niyan upang makahirit ng winner-take’-all.
***
Parang end of the line na ng Duterte era sa pulitika gaya ng Terrafirma Dyip na prangkisa sa PBA.
Nagsimula ang Alvarez- owned team sa pro league bilang Kia Sorrento taong 2014. Naging Carnival, Sorrento at Mahindra tapos Columbia.
Si Rodrigo Duterte kingpin ng Davao noong 90s at naging residente ng Malacanang 2016. Bagama’t bumaba na noong 2022 ay nalikha naman niya sina Sara na VP na at sina Go’t Bato na senador na. Kahit wala na sa puwesto ay itunuturing pa ring malakas na puwersa sa Pinas.
Sakto naman ang pagwawakas ng dalawa. Ang Terrafirma nabili na ng Seahorse Shipping Lines. Naghihintay na lang na aprubahan ang sale ng PBA Board of Governors.
Si RRD naman naaresto ng ICC at nililitis ngayon sa The Hague. Mahaba ang trial stage na hahantayin. Sa edad na 80 ay posible na doon na matapos ang buhay niya sa mundo.