Advertisers
PUNITRYA ng NCAA Season 100 juniors basketball leader University of Perpetual Help Junior Altas na makamit ang spot sa final four kapag nakaharap ang San Senastian Staglets alas 8 ng umaga Martes sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Susubukan ng hard-working team ni coach Joph Cleopas na marating nag semifinal round para sa pangalawang magkasunod na taon at pangatlo simula sumali sa liga noong 1985.
Sariwa pa mula sa 103-84 wagi laban sa Emilio Aguinaldo College (EAC) nitong Linggo, Pakay ng Perpetual Help na makamit ang kanilang ika-pitong tagumpay sa walong laban kontra San Sebastian.
Kadikit ng Las Pinas-based team sa team standings ang defending champion Letran at Mapua na may parehong 5-2 cards sumunod ang San Beda, EAC at La Salle Greenhills, lahat may parehong 4-3 slate records.
Arellano University ay may 3-4 rekord habang ang Jose Rizal Univerity at San Sebastian may 2-5 marka. Lyceum nanateling winless sa seven games.
Ang top four teams matapos ang eliminitation round ay aabante sa Final Four,kung saan ang top two squads ay kikita ng twice-to-beat incentives laban sa kanilang kanya-kanyang kalaban.