Advertisers
KUMPIYANSA si dating Pangulong Rodrigo Duterte na malakas ang kaniyang depensa at handa nitong sagutin ang mga kaso sa International Criminal Court.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, na wala umanong matibay na ebidensiya sa mga kasong ibinibintang sa kaniya.
Nakapag-adjust na rin ang dating pangulo sa kalagayan nito sa ICC.
Nahaharap ang dating pangulo sa crime against humanity dahil sa madugong kampanya nito laban sa iligal na droga.
Nitong Linggo ay nagsagawa ng pagtitipon ang mga supporters ng dating pangulo sa the Netherlands kung saan pinasalamatan ng bise president ang mga dumalo at nakiisa.