Advertisers
Putok ang isang alyas Pidlawan na Hari umano ng pangasinan pag dating sa mga ilegal na transaksyon este ilegal vices pala.
Sinasabing dadaan ka muna kay Pidlawan kung nais mong maglagay ng mga ilegal na sugalan gaya ng sakla, pergalan, etc. Kung nais mong maghanap buhay ng legal na ilegal.
Walastik din ehh ano mga dear readers, pwede pa lang maging legal ang isang ilegal depende kung saan at kung sino ang papayag na makapaglagay ka.
Kung galing nga naman ang utos mula sa isang Hari, paniyak na hindi pwede mong mabali. Isa umanong magreretirong pulis itong si alyas Pidlawan na mas minabuting mag retiro ng maaga kesa maglingkod ng tama base sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Ayon pa sa ating source, hindi lamang sa ilegal magaling ang mama, maging sa legal gaya ng pagdedesisyon sa intelligence fund na sya din umano ang nagdedesisyon kung magkano at kung sino lamang ang pagkakalooban.
Ang galing ano po?
Yan ang Hari!
May porsiyento din umano itong kinukuha sa mga legal na sabungan, 5% kung tumara itong Hari bilang proteksyon umano.
Ganun?
Mapapa-wow ka talaga, dinaig pa ang gobyerno para humingi ng (5%) limang porsiyento sa bawat sabong na magaganap.
Halimabawa na lang natin mga dear readers sa isang laban ng sabong na may (500k) limang daang libong kita, 5% is (25k) bente singko mil sa isang laban ng sabong, ilang sabong meron sa isang araw at ilang sabungan ang gumagana sa isang araw?
Jusko lord! Kahit sino mapaparetire ng maaga at magconcentrate sa mas malaking kita. Hehehehehe
Simula kasi ng mauso ang E-Sabong nauso na rin ang mga lagayan lalo ng mga server, wala na umano kasi ang mga kristo kung tawagin noon kaya ang pustahan ay dumadaan sa server kung saan naman pumoporsyento ang Hari.
Dahil nga wala na umano ang E-Sabong ni Atong Ang, kaya kanya-kanyang diskarte na ang sabungan, kanya-kanyang server na rin at kung sino ang papayagan ng Hari sya ang madalas nagagamit ng mga sabungan.
Depende siguro ito sa kung sino ang mas magdadagdag ng porsiyento at kung sino ang paborito.
Back to ilegal na mga sugalan, kaya umano bigtime ang mga ilegalista tulad nila Kap Boyet, Gemma, Alvin, Flores at Ibasan sa pangasinan dahil Hari na si Pidlawan ang sinasandalan.
Ano naman kaya ang say dito ni Mayor Ressuelo na sinasabing bata-bata nya umano si Pidlawan? at dahil sa isa umanong magreretirong tulisan este pulis pala itong si Pidlawan, ano naman kaya ang say nang kaibigan nating si PCol.Rollyfer Capoquian at PBGen. Lou Evangelista na parehas under their command.
Mukhang meron dapat ma lifestyle check bago mag retiro?
Yan ay kung di namamantikaan ang mga iniidolo nating pulis na sila Gen. Diwata este Gen. Torre ng CIDG, PNP Spokesperson Gen. Fajardo at PNP chief Gen. Marbil idagdag na rin natin si Mr. Secretary No Classes este DILG Sec. Jonvic Remulla.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com