Advertisers

Advertisers

37% Pinoy nagsabing magulo ang pulitika sa Pilipinas – Pulse survey

0 10

Advertisers

MAYORYA ng mga Pilipino ang nagsabing magulo ang estado ng pulitika sa Pilipinas.

Base sa pulse asia survey, inilarawan ng mahigit 1/3 o katumbas ng 37.9% ng respondents bilang chaotic ang Philippine politics.

Ayon sa Pulse Asia, consistent ang pananaw na ito sa iba’t ibang lugar at karamihan sa mga socio-economic classes, kung saan 31.7% ang mula sa National Capital Region; 33.4% mula sa Balance Luzon; 42.9% sa Visayas at 45.1% sa Mindanao.



Kaugnay nito, halos 1/5 din o 17.3% ng respondents ang nag-uugnay sa pulitika sa kurapsyon o pera-pera lang.

Lumabas din sa survey na 5.8% ng mga Pilipino ang nagsabing kadikit na ng pulitika sa bansa ang pandaraya at vote buying.