Advertisers
Nasawi ang 3-anyos na bata at apat ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang tirahang lugar sa J.P. Rizal Street, Barangay Namayan, Mandaluyong City, nitong Lunes ng umaga, Marso 24.
Hindi pa binanggit ang pagkakakilanlan ng nasawi pero ang mga nasagutan kinilalang sina Jandie Ramos Abaluna, 29-anyos, na nagtamo ng 2nd degree burn sa kanang bahagi ng tiyan at kanang sakong; Enzo Agustin, baboy.
Nagsimula ang sunog 6:38 ng umaga at umabot sa second alarm pagkalipas ng dalawang minuto.
Nasunog din ang stockroom ng tindahan at isang katabing junk shop.
Naapula ang apoy 8:18 ng umaga.
Sa report, nagtamo ng paso ang apat na nasugatan ngunit nasa maayos nang kondisyon.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.