Advertisers
KUMAMADA si Trae Young ng 25 points at pinoste ang kanyang 41st double-double sa panahon upang tulungan ang Atlanta Hawks na katayin ang bisitang Golden State Warriors 124-115 Sabado.
Ang Warriors ay naglaro na wala ang leading scorer Stephen Curry (24.2 points per game), na nagtamo ng left pelvic contusion matapos bumagsak ng masama nitong Huwebes laban sa Toronto.
Young ay 9-for-15 mula sa sahig at may 10 assists. Georges Niang umiskor ng 23 points,at Onyeka Okongwu nagdagdag ng 22 points at 12 rebounds para sa kanyang 22nd double-double.
Atlanta (34-36) ay nagwagi ng dalawang dikit at anim ng kanilang huling eight sa 1 1/2 game lead laban sa Orlando sa karera para sa No.7 spot sa Eastern Conference.
Ang Warriors ay pinamunuan ni Jimmey Butler sa iniskor na 25 points at eight assists. Moses Moody umiskor ng 20 at Brandin Podziemski nagdagdag ng 19 points at eight rebounds.