Advertisers

Advertisers

Sunog sa Valenzuela: 3 patay, 2 sugatan

0 19

Advertisers

Nasawi ang tatlo katao nang ma- trap sa sunog sa Malinta, Valenzuela City nitong Sabado

Base sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang natu­rang mga sunog 12:15 ng tanghali sa kahabaan ng Area 4 Pinalagad, Malinta, Valenzuela City.

Kabilang sa nasawi ang ama at 12-anyos nitong anak at isang trabahador, na pawang na-trap sa loob ng nasusunog na bahay.



Dalawa naman ang nasugatan, kabilang ang 37-anyos na lalaki na nagtamo ng sugat sa balikat at 8-anyos na lalaki na nagtamo ng second-degree burn sa hita at binti.

Nasa mahigit 20 kabahayan naman ang natupok ng apoy at nakaapekto sa 26 pamilya kung saan nagsimula ang sunog sa isang basurahan na mabilis na kumalat sa lugar.

Sa ulat, nagsimula ang sunog sa Area 4 sa Pinalagad 12:08 ng tanghali.

Sa report, 12:25 ng hapon nang maitala ang ikalawang alarma at idineklarang fire out ng 5:40 ng hapon.

Samantala, nakaapekto rin ang sunog sa residential area sa Yanga Street sa Brgy. Maysilo sa Malabon City.



Naapula naman ng sunog nang mag­responde ang mga bumbero sa naturang mga lugar.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigas­yon ang mga awtoridad sa naturang mga kaso. (Beth Samson)