REP. PAMMY ZAMORA NAKAKUHA NG MATAAS NA SUPORTA MULA SA MGA RESIDENTE NG TAGUIG; KINILALA BILANG ISA SA TOP PERFORMING LEGISLATORS SA NCR
Advertisers
NAKAKUHA ng malaking suporta mula sa mga mamamayan ng Taguig City si Congresswoman Amparo Maria “Pammy” Zamora na isang re-electionist sa darating na eleksyon.
Tumanggap ng suporta si Zamora sa kabila ng kinakaharap niyang pressure mula sa kaniyang katunggali at mga negatibong propaganda laban sa kaniya.
Si Zamora na tumatakbo bilang independent candidate sa ikalawang distrito ng Taguig ay anak ni dating San Juan congressman Ronaldo “Ronnie” Zamora.
Kinilala si Rep. Pammy Zamora bilang isa sa mga top-performing legislators sa National Capital Region.
Sa isinagawang yearlong 2024 assessment ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) at RPMD News Network Inc. (RPMD News) para sa mga kongresista sa NCR, si Zamora ay kabilang sa top lawmakers na nagpakita ng husay sa governance at leadership, legislative performance, pagiging epektibong kinatawan at public service initiatives.
Ginawa ang pag-aaral sa ilalim ng ‘Kasama Tayo sa paglilingkod at mga programang ng gobyerno’ initiative, na sumusukat sa pagiging epektibo ng mga mambabatas bilang kinatawan ng kanilang nasasakupang distrito, pagiging produktibo nila sa kongreso at serbisyo sa kanilang constituents.
Partikular na tinututukan ng mga serbisyo ni Zamora ang mga mahihirap at disadvantaged.
Sa kabila naman ng mga atake laban sa kaniya ng mga katunggali niya sa May 2025 elections ay hindi nagpatinag ang mambabatas.
Sa halip ay patuloy na sumentro si Zamora sa pagseserbisyo sa kaniyang constituents na umaasa sa tulong ng pamahalaan.