Advertisers
Nagkakahalaga ng P816 million shabu ang nasabat ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pagkakadakip sa isang truck driver sa Port of Calapan, Oriental Mindoro noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Undersecretary Isagani R. Nerez, PDEA Director General ang naaresto sa alias Cris, 43-anyos, truck driver ng Oton, Iloilo.
Ayon kay Nerez, 9:30 ng umaga nang masabat ng pinagsanib na elemento PDEA Regional Office MIMAROPA Calapan Seaport Interdiction Unit and K9 Unit; PDEA MIMAROPA Oriental Mindoro Provincial Office; PDEA Intelligence Service; PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) ang suspek sa Port of Calapan, Oriental Mindoro.
Nabatid na nagsasagawa ng inspecksyon ang mga operatiba sa sasakayan ng suspek at maamoy ng K9 ang mga kahina-hinalang mga iliga na droga sa compartment ng sasak-yan.
Nang siyasatin ang laman ng compartment, tumambag ang travelling bag na naglalaman ng 120 pack ng shabu na tinatayang may timbang na 120 kilograms na nagkakahalaga ng P816,000,000.00.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs), Article II of Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ronald Bula/Mark Obleada)