Advertisers

Advertisers

Mark Herras at Victor Silayan, pumirma ng kontrata sa Inding-Indie Film Festival Management

0 37

Advertisers

MATUTUNGHAYAN ang unang proyekto nina Mark Herras at Victor Silayan sa maikling pelikulang pinamagatang “PLUMA” na isinulat ni Nathaniel Perez, sa konsultasyon ni Ron Sapinoso, at sa direksiyon ni Direk Andrei Bagos.

Naganap nitong Marso 20, 2025 ang pagpirma ng kontrata, screen test at profiling ng mga artists ng Inding-Indie sa pangunguna ni Direk Ryan Manuel Favis na Executive Producer at sa pakikipagtulungan ng Primelens Film Production Inc., na nagbibigay proyekto sa mga talents ng TV commercial.

Ayon sa panayam kay Mark, ito ang una niyang proyekto na may naiibang karakter kung ikukumpara sa mga proyektong ginawa niya noon. Punung-puno raw ng aral at makatutulong sa mga taong humaharap sa mga matitinding pagdurusa at isipin sa buhay. Ang “PLUMA” ay tungkol sa magkuya na parehas may pinagdaraanan. Si Allan na nakatatandang kapatid ay di nakalalakad at ang bunsong si Gino ay may Bipolar Disorder. Alamin kung paano nila tatahakin ang mundo sa kabila ng kanilang mga pinagdaraanan.



Ayon naman sa panayam kay Sean Aldridge Calinisan na bagong hinahasa ng management, bilang isa sa mga kabataan ngayon ay malaking tulong ang proyektong ito sa tumataas na kaso ng kabataang may depression at marami siyang natutunan sa murang edad niya.

Kaabang-abang din ang paglabas ni Victor sa big screen bilang isa sa mga bida ng naturang proyekto at kasalukuyan niyang ihinahanda ang sarili sa isang makabuluhang karakter sa kuwento.

Si Andrei na direktor ng maikling pelikula ay naghahanda nang may buong lakas at talino upang mapaganda at maging makabuluhan ang pelikula. Sa murang edad nito ay nahihilig siya sa mga batikang direktor at ibinuhos niya ang lahat ng magagawa upang matupad ang magandang ambisyon at adhikain sa sining at kultura.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni direk Ryan kay Mr. Wilson Tidon na siyang co-producer ng pelikula at lakbay-aral. Ang nasabing proyekto ay handa nang umikot sa mga eskuwelahan sa buong Pilipinas.

Tampok din sa mga aabangan sina Mikhail Ethan na bagong talent ng Inding-Indie, kasama sina Jhun Sio, Patricia Suganob, Carah Donor, Rui Suasing, Paul Briones, Amarra Athena, Wenzy Diwa, Gibson Serezo, Jacey Sanico, Brittany Ngolab, Jasmin Tuala, at marami pang iba.



Mapapanood na ang PLUMA sa ika-7 ng Abril, taong 2025. Ito’y gaganapin sa Gateway Cineplex Cinema 4. Available ang tickets para sa mga walk-in moviegoers at ito’y mabibili sa labas ng Cinema 4.