Advertisers

Advertisers

MANIBALANG SI MANANG BABS

0 97

Advertisers

AKSAYA sa pera ng bayan ang Senate hearing na pinamunuan ni Manang Babs. Mistulang “bull session” ito at ang layunin nito ay hanapan ng pagkakamali ang pagdakip sa serial killer na dating pangulo Rodrigo Duterte.

Siempre, sino ang mga magsisilbing kalasag ng dating president na mamamatay-tao? Bukod sa mga “usual suspects” na nasa hanay ng mga nagbabadyang mapalakol tulad ni “kaldero,” ang kapatid nito, ang “kalbong pulis” mga namumurong senador, nangunguna sa hanay na ito ang “enemy from within”, ang kapatid ng kasalukuyang pinuno ng bansa na itatago ng natin sa pangalang Manang Babs.

Sa opinyon ko, naging hambalang ng pamumuno ng sarili niyang kapatid, sampu ng mga kakampi nilang nananatiling kasapakat ni Duterte, hindi ng programa’t alituntunin ng Marcos administration! Heto ang nakakatawa; bagama’t pinipilit niyang maki “fisting” sa mga DDS, kahit sa panlabas, naging magkaamoy sila, sumasagot ito ng malutong na “fisting yawa!”



Nasa labas ng “inner circle” ng mga Duterte si Manang Babs. Hindi siya katanggap-tanggap sa kanila, dahil ang asal ng mga ito ay “tribal” taliwas sa pulitika nila! Parang pilit mong pagsasama ang tribo ng mga Tarikan at binurong biyoko!

Huwag na tayo maglokohan pa, bagama’t malapit ang midterm elections, at namamalakol sa numero si Manang Babs, dahil nananatili siyang manibalang sa maraming botante, habang magpamudmod ito ng salapi upang manatiling litaw ang ulo, nananatiling malabo ang tsansa niya manalo.

Manibalang nga, mas maasim kaysa matamis. Nagpupumilit, hindi maatim. Nararapat isawsaw na lang sa bagoong. Tribal nga eh.

***

BUKOD sa naganap na “agaw-eczema sa pagitan ng mga senador sa naganap nilang “bull session” na sa totoo lang ay napaka “high school,” nananatiling mangmang ang sambayanan, nakasubaybay, natatawa na lang sa nagaganap na sirko. Okey lang sa akin ang magkaroon ng sirko, maging luklukan ng aliwan at katatawanan; bagay na nagpapabawas ng kahirapan at naidudulot ng dagliang lunas sa mga suliraning kinakaharap.



Ngunit ang nakikita kong panghihimasok ng mga sekta ng pananampalataya sa ating pulitika ay nakakagimbal. Dati, hindi ko inaaksayahan ng panahon ito, ngunit tila nagiging agresibo na ang ilang mga sekta partikular ang Inglesia Ni Kristo.

Naniniwala ako na hindi dapat makialam ang pananampalataya sinuman sa normal na pamamalakad ng ating pamahalaan. Sa kanilang Net 21, binatikos ni Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, ang pamahalaang Marcos dahil sa pagkabigo nila tugunan ang isyu tungkol sa kapayapaan at pagkakaisa.

Sapantaha ng maliit na peryodistang ito, lulan ito sa pagdakip ni Rodrigo Duterte na kilalang tagasuporta ng INC! Diretsahan tayo, tinatangka ng kampo ni Digong na maglagay ng halang sa pagitan ng pamahalaan at ng INC, dahil maliwanag na gusto niya maging hambalang sa pagitan ng tao at INC!

Nakakalungkot na ang institusyon na ito ay kasangkapan sa larong pulitika ng mga DDS. Lalong nakakalungkot, bagkus, nakakagalit, na payagan ng Inglesia Ni Kristo na kasangkapanin ng mga pulitiko tulad ni Duterte. Harinawang magbukas ng isip ang mga ito, na naging sarado ang isip sa matagal na panahon.

Harinawa mag asal sekta kayo hindi asal-kulto. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

mackoyv@gmail.com