Advertisers

Advertisers

Kandidatong nagpaulan ng kuarta wala pang violation – Comelec

0 11

Advertisers

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na ang kasalukuyang opisyal ng Negros Oriental na nag-viral sa kanyang pagmumudmod ng P500 bills hindi teknikal na gumawa ng isang paglabag sa mga batas sa halalan.

“Hindi pa covered ng election laws kung tutuusin,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam nang tanungin kaugnay sa pa-mamahagi ng pera ng naturang kandidato.

Idinagdag ni Garcia na hindi pa ito itinuturing ng provincial official na kandidato at ‘aspirant’ lamang dahil hindi pa nagsisimula ang kampanya para sa local elective posts sa Marso 28.



Binanggit din ang desisyon ng Supreme Court o ang tinawag na Peñera Doctrine na nagsasaad na ang isang tao na naghain ng kanyang certificate of candidacy, itinuturing na kandidato lamang kapag nagsimula na ang panahon ng kampanya, kaya isinailalim sila sa mga batas sa halalan.

Gayunman, maaari pa rin ani-yang magsampa ng reklamo ang mga residente o ang DILG.