Advertisers

Advertisers

Expanded PhilHealth package sa animal bite victims, aprub kay Bong Go

0 14

Advertisers

Aprub kay Senator Christopher “Bong” Go ang expanded Animal Bite Treatment (ABT) package na iniaalok ng PhilHealth sa pagsasabing ito’y napapanahon dahil sa inaasahang pagtaas ng kaso ng mga kagat ng hayop ngayong hot and dry season.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, binigyang-diin ni Go na mahalaga ang tamang medical care sa mga kagat ng hayop, lalo sa mga kanayunan at mga lugar na kulang sa serbisyo.

Itinaas kamakailan ng PhilHealth ang ABT benefit package nito sa P5,850, mula sa P3,000 para sa mas komprehensibong coverage sa mga biktima ng animal bite—kabilang ang post-exposure prophylaxis, wound care, rabies vaccine at immunoglobulin, tetanus shots, atantibiotics.



“Kapag may nakakagat na hayop, ‘wag na tayong maghintay pa ng komplikasyon. Magpatingin agad sa health center o animal bite treatment center, at gamitin ang benepisyong iniaalok ng PhilHealth,” sabi ni Senator Go.

“Ginagawa natin ang lahat para masigurong abot-kamay ang serbisyong medikal para sa bawat Pilipino, lalo na sa mga lugar na malayo sa ospital.”

Ang increase ng ABT package ng PhilHealth ay sa gitna ng babala ng health experts na posibleng pagtaas ng mga insidente ng animal bites sa summer months kung kailan maraming bata ang naglalaro habang ang mga hayop ay naliligalig sa init.

Ayon sa PhilHealth, mahigit 700 accredited ABT providers sa buong bansa ang may kakayahang mangasiwa ng paggamot at i-expand ang network nito.

“Ang serbisyong ito ay para sa mga pinaka-nangangailangan. Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa pera sa pagpapagamot, lalo kung kalusugan na ang pinag-uusapan,” ani Go.



Mula Enero 1 hanggang Marso 1 ngayong taon, nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 55 pagkamatay na nauugnay sa rabies, isang sakit na may 100% fatality rate kung hindi maagapan.

Ang nasabing bilang ay bahagi ng nakababahalang trend, kung saan may 426 pagkamatay na naiatala sa rabies noong 2024—halos doble sa bilang noong 2020.

Bagama’t kayang iwasan, ang rabies ay nakamamatay kapag hindi naagapan. Ang virus ay nakukuha sa kagat, gasgas o kalmaot mula sa mga nahawaang hayop, kadalasan ay aso o pusa. Binigyang-diin ng DOH na maaaring lumitaw ang mga sintomas sa loob ng ilang linggo o umabot nang hanggang isang taon, depende kung nasaan ang kagat at ang viral load.

“Ang simpleng kagat ay maaaring ikamatay kung pababayaan. Kaya kailangan ng edukasyon at pag-access sa bakuna. Lahat tayo may responsibilidad dito—bilang pet owners at bilang miyembro ng komunidad,” iginiit ni Senator Go.

Kaya naman idiniin ni Go na dapat palakasin ang pampublikong kamalayan at koordinasyon sa local government units, health centers, at barangays upang mmaiwasan ang karagdagang pagkamatay.

“Huwag na nating hayaang madagdagan pa ang bilang ng mga namamatay dahil sa kapabayaan,” sabi ng senador.