Advertisers

Advertisers

Buwis sa krudo alisin para bumaba presyo ng kuryente – Abalos

0 14

Advertisers

UPANG mapababa ang presyo ng kuryente iminungkahi ni Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr., isang kandidato sa pagkasenador na alisin ang buwis sa krudong ginagamit lamang para sa power generation. Aniya makakatulong ito pag-akit ng mas maraming kumpanyang pang-manupaktura at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa lalawigan ng Cavite, binigyang-diin ni Abalos na matagal nang hadlang sa kompetisyon ng bansa ang mataas na presyo ng kuryente, lalo na sa sektor ng pagmamanupaktura. Ang Cavite ay tahanan ng humigit-kumulang 55 economic zones at industrial estates sa ilalim ng PEZA.

Iginiit din ni Abalos na ang murang kuryente at isang business-friendly na kapaligiran ang susi sa pagpapalakas ng sektor ng pagmamanupaktura at paglutas sa kawalan ng trabaho.



“Kung aalisin mo ang buwis sa fuel na ginagamit exclusively for power generation, bababa ang presyo ng kuryente. At kapag bumaba ang presyo ng kuryente, papasok ang manufacturing firms — ibig sabihin, trabaho para sa mga Pilipino,” binigyang-diin nito.

“Kung gusto mong dumami ang trabaho, kailangan marami kang factories, marami kang negosyo,” saad ni Abalos. “Kaya ito ang sinasabi ko pa noong 2005 — tutol ako sa VAT sa kuryente,” dagdag pa nito.

Kaugnay itinuro ng dating DILG Secretary na ang singil sa kuryente sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas sa Asya, kaya nagiging hindi kaakit-akit ang bansa sa mga posibleng mamumuhunan. “Kung makakalikot natin ito, kung matatanggal natin ang ibang buwis sa kuryente, malaking bagay ito para sa mga manufacturing firms na pumasok sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

“Yung excise tax natin sa fuel is nasa 30%. Ipagpalagay na lang natin na ‘yong fuel na ito ay ginagamit sa power generation, kung tatanggalan natin ng buwis sa fuel purely used for power generation, bababa talaga ang singil sa kuryente,” saad ni Abalos.

“This was what I stood for when I was a congressman in 2005, and I still stand by it today. We need comprehensive solutions to create jobs and lift more Filipinos out of poverty,” saad ni Abalos.



Samantala ipinunto pa ni Abalos, halimbawa, na ang mga isla at lalawigang umaasa sa mga diesel-powered generator ay nagbabayad ng mas mataas na singil sa kuryente—umaabot mula P17 hanggang P19 kada kilowatt-hour—kumpara sa average na humigit-kumulang P11 sa Metro Manila.

Kung mahalal bilang senador, nangako si Abalos na isusulong niya ang batas na mag-aalis ng value-added tax (VAT) sa kuryente at mga buwis sa krudong ginagamit lamang para sa power generation.

Binigyang-diin din niya na ang mga hakbang upang mapababa ang presyo ng kuryente ay dapat sabayan ng mas malawak na reporma upang mapabuti ang business environment, kabilang ang digitalisasyon ng mga serbisyo ng gobyerno upang mapabilis ang mga proseso para sa negosyo.

“Let’s create an environment that’s business-friendly. Digital portals, online applications, mabilis ang processing time. Huliin ang mga nanghihingi ng pera. These things go together,” pagbibigay-diin nito.(Boy Celario)