Advertisers

Advertisers

BIR silip pagbabayad ng buwis ng social media influencers

0 6

Advertisers

IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung tama ang pagbabayad ng buwis ng mga social media influencers.

Ayon kay Atty. Ron Mikhail Uy ng BIR, bumuo na sila ng task force na siyang tututok sa tax liabilities ng mga vloggers at social media influencers.

Tugon ito ng BIR sa pagtatanong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop sa pagdinig ng Tri-Comm noong Biyernes.



Ipinaalala ni Acop kay Uy na sa nakaraang pagdinig, inatasan ng Tri-Com panel ang BIR na magsumite ng datos kung ilan sa mga social media content creator ang binubuwisan ng ahensya at ang kani-kanilang binayarang buwis.

Ayon sa kanya, nagbigay ang panel sa ahensya ng listahan ng 27 social media personalities.

Ipinaliwanag ni Uy ang hamon sa pagtugis sa mga taxpayer na ito.

Hinimok din ni Suarez ang mga kinatawan ng social media platforms na kumpirmahin kung sila ay nagbabayad ng buwis sa Pilipinas.

Inusisa rin ng mambabatas mula Quezon ang mga influencer at content creator kung sila ay nagbabayad ng buwis.



Isa sa kanila, si dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles, ay nagsabing sila ay nagbabayad ng buwis.

Isang kilalang influencer ang nagsabing umaabot sa hindi bababa sa P5 milyon ang kanyang kita bawat araw.