Advertisers

Advertisers

Usaping food at transpo allowance, tinalakay ng TRABAHO Partylist sa Pagbilao

0 21

Advertisers

Personal na nakinig at naghain ng plataporma si TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa mga residente ng Pagbilao, Quezon noong March 18, 2025.

Sa tulong ni Vice Mayor Gary Alcala, naging matagumpay ang ginawang pakikipagtalakayan ng TRABAHO, bilang 106 sa balota, sa mga taga-Pagbilao tungkol sa mga karagdagang benepisyong isinusulong ng grupo para sa mga manggagawa.

“Gusto rin namin [TRABAHO] ng karagdagang-benepisyo [para sa mga manggagawa],” sabi ni Chavez.



“Ano ba naman food allowance? Ano ba naman ang transpo [transportation] allowance? Malaking tulong na po sa atin po iyon,” dagdag pa niya.

Ayon sa nominee, ang kinikita ng mga manggagawa ay dapat may allowance para sila ay makapag-ipon, at upang mayroong silang mahuhugot pambayad sa mga emergency expenses o hindi inaasahang bayarin.

Aprubado naman ang naging talakayan sa mga taga-Pagbilao na makikita sa isang video na nagstanding ovation habang isinisigaw ang “106 TRABAHO Partylist”.

Kamakailan lamang ay ipinakilala rin nina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang TRABAHO sa mga Lucenahin, na nagsilbing daan upang maipamahagi ang plataporma at legislative agenda ng nasabing partylist sa mga residente ng Lucena. Matapos nga ang talakayan sa Pagbilao, nagcourtesy visit muli ang TRABAHO sa kanilang mga opisina.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">