Advertisers
Nabiyayaan ang Valenzuela City Police Station (VCPS) ng 25 bagong police cars at 40 motorsiklo, na ipinamahagi ng lokal na pamahalaang Valenzuela sa ginanap na turnover ceremony, nitong Huwebes sa Alert Center sa Barangay Malinta.
Kabilang sa mga dumalo sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad – Borja, at city council, Atty. Vigor D. Mendoza II, Assistant Secretary, Chief of the Land Transportation Office (LTO), PCol. Relly B Arnedo, Chief, District Directorial Staff, NPD, PCol. Nixon M. Cayaban, Chief of Police, VCPS.
Nagpaabot ng pasasalamat si PCol. Cayaban kay Mayor Gatchalian sa patuloy na suporta sa kapulisan, na ang mga sasakyang ipinamahagi ay mahalagang susi para sa law enforcement at simbolo ng pangako ng Valenzuela City Police na protektahan at pagsilbihan ang mga mamamayan ng Valenzuela.
“The Valenzuela City police will use these vehicles with utmost integrity, professionalism, and dedication,” said PCol. Cayaban. “We are deeply committed to upholding our sworn duty to ensure the safety and security of every Valenzuelano.”
Ang mga sasakyan ay magsisilbing karagdagan sa pagpapalakas ng peace and order sa lungsod.(Beth Samsons)