Advertisers
SUMANDAL ang University of Santo Tomas sa kanilang seasoned players para itakas ang 89-85 wagi laban sa National University Nazareth School Huwebes, at epuwersa ang winner-take-all Game 3 sa UAAP Season 87 boys’ basketball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.
Sinilyuhan ni skipper Koji Buenaflor ang panalo ng UST sa pamamagitan ng 2 free throws. Nagtapos siya ng 24 points,four rebounds, two assists at two blocks.
Charles Esteban nagdagdag ng 16 points,three rebounds at three assists,habang si Carl Manding nag-ambag ng 15 points para sa Tiger Cubs.
Ang Bullpups ay nagrali sa pamumuno ni Nigerian center Collins Akowe, Carl Alfanta, Miguel Palanca at Mot Matias para umangat sa 77-78, 5:21 natitira sa fourth period.
Manding at Esteban nagdeliver ng back-to-back triples para ibigay sa UST ang 87-77, lead 2:35 natitira sa laro.
Ginawa ng NUNS ang 85-87 sa three-points ni Alfanta, 21 segundo ang nalalabi.
Ang rubber match ay naka-iskedyul sa Marso 27 alas 12 ng tanghali sa parehong venue.
Huling nahawakan ng UST ang titulo noong Season 64 (2001)
Co-captain Kirk Canete may 13 points, six rebounds, at five assists, habang si Charles Bucsit nagdagdag ng nine points, four rebounds, at two assists.
Senegalese forward Racine Kane nagtapos ng five points, three rebounds, two assists, at one steal.
Akowe, winner ng Best Foreign Student Athlete award, nagdeliver ng 28 points, 26 rebounds, three blocks, at two assists para sa NUNS, na nagwagi sa Game 1 (77-70) nakaraang Marso 13.
Alfanta umiskor ng 17 points, five assists, three rebounds, at one steal, habang si Palanca may 15 points, seven rebounds, at one assist.