Advertisers

Advertisers

Tama ang proseso ng pag-aresto kay Digong — Int’l lawyer

0 16

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ng isang International Criminal Court-accredited lawyer at international law expert ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Ito, ayon kay Atty. Joel Butuyan, ay upang maiwasan ang posibleng negatibong epekto sa mga hinaharap na kaso ng extradition o pagpapatupad ng mga warrant of arrest.

Sa Malacañang Press Briefing, ipinaliwanag ni Butuyan na kung hindi naman makikipag-coordinate ang bansa sa Interpol, maaaring hindi pagbigyan ng organisasyon ang anumang kahilingan ng Pilipinas sa hinaharap.



Paliwanag ng abogado, halimbawa kung may isang Pilipino o dayuhan na gumawa ng krimen sa ating bansa at humingi ang gobyerno ng tulong sa Interpol para sa custody ng suspek, maaari aniyang hindi pagbigyan ito dahil nilabag natin ang ating obligasyon sa kanila.

Sa isyu naman ng pagsisilbi ng warrant of arrest at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC, ipinunto ni Butuyan na walang nalabag na batas sa naging proseso ng pagpapatupad ng warrant laban sa dating Pangulo.

Kung ikukumpara aniya ito sa pagse-serve ng warrant sa isang ordinaryong kriminal, malinaw aniyang higit ang pribilehiyong ibinigay sa dating Presidente.

Bukod pa rito, naging malinaw at dokumentado rin ang proseso ng pag-serve ng warrant laban kay dating Pangulong Duterte. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">