Advertisers

Advertisers

Roque umalis na sa The Hague; asylum process nagsimula na

0 12

Advertisers

UMALIS na sa The Hague, Netherlands si dating presidential spokesperson Harry Roque habang sinisimulan na ang kanyang asylum process.

Ayon kay Roque, hinihintay niya ang kanyang unang interview sa facility na mahigit apat na oras ang layo mula sa The Hague.

Aniya, pagkatapos ng kauna-unahang interview, malaya na ‘akong makabalik sa The Hague.’



Paliwanag niya, ang proseso ng asylum ay may ilang yugto, kabilang ang initial registration, fingerprinting, police interview, medical examination, at unang interview.

Matapos nito, maaari na siyang umalis at aantayin na lang ang abiso para sa final interview.

Iginiit din ni Roque na bilang asylum seeker, may karapatan na siya sa nonrefoulement o proteksyon laban sa deportasyon pabalik sa Pilipinas, na tinawag niyang isang bansang umuusig sa kanya sa pulitika.

Aniya, hindi na ito maaaring mapabalik sa Pilipinas dahil sa political persecution.

Samantala, nilinaw niyang hindi siya nakadetine at malaya siyang gumalaw.



Matatandaan na umalis ng bansa si Roque matapos siyang bigyan ng warrant of arrest ng Kongreso kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.