Advertisers

Advertisers

Pamilya Ko Party List sinuyod ang Gen. Trias, Cavite

0 8

Advertisers

SINUYOD ng Pamilya Ko Party List ang Gen. Trias sa lalawigan ng Cavite upang ibahagi sa bawa’t mamamayan ang kanilang adbokasiya para kapakanan ng bawa’t pamilya lalu na ang tinaguriang “non-traditional family”.

Aminado si Atty. Aeneas Eli Diaz, 1st nominee ng Pamilya Ko Party List na mahirap para sa tulad nilang baguhan sa larangan ng pulitika ang pumasok sa mga probinsiya at iba pang lugar na mayroon na kilalang partylist na sinusuportahan bagama’t naniniwala aniya siya na kapag naipaliwanag nila ang kanilang adbokasiya, makakakuha rin sila kahit man lang konting suporta.



Kabilang sa mga nais ipaliwanag ni Atty. Diaz sa mga residente ng Gen. Trias ang layunin nilang magsulong ng batas na magbibigay ng pantay na karapatan at proteksiyon sa iba’t ibang uri ng pamilya, na hindi nabibigyan ng sapat na pansin sa kasalukuyang panuntunan.

Aniya, anuman ang paniniwala, relihiyon, at estado sa buhay, lahat ay bahagi pa rin ng isang pamilya, mahirap man o mayaman, Tagalog o Visaya.

Bukod pa rin anya sa kanilang isusulong na mga panukalang batas, may damdamin din aniya sila sa pangangalaga sa kalusugan kaya nais ng kanilang hanay na magkaroon ng health care benefitsa ang bawa’t pamilya.

Noon aniyang isa pa lamang silang foundation, madalas silang magsagawa ng medical mission, at isa sa kanilang nakita ay ang marami nating kababayan na hindi nagpapasailalim sa medical check-up bunga ng maraming kadahilanan, partikular na ang gastusin.

Isa aniya ito sa mga nakita nilang problema kaya’t sinubukan nilang pumasok sa larangan ng pulitika sa pamamagitan ng pagbuo ng isang partylist upang mas maging malawak pa ang kanilang magawa at matulungan.