Advertisers

Advertisers

PAGKWESTYON NI PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO SA RESULTA NG INDEPENDENT SURVEY SA LUNGSOD, PINUNA NG MGA RESIDENTE

0 73

Advertisers

PINUNA ng mga residente sa Pasig City Mayor Vico Sotto sa panghihimasok umano nito at pagkwestyon sa mga inilalabas na resulta ng survey.

Kasunod ito na napaulat na pagkadismaya ng alkalde sa pinakahuling resulta ng poll survey kung saan bumaba ang kaniyang rating.

Nagbanta pa umano ang mayor na gagawa ng hakbang laban sa mga social media at mga pahayagan.



Ayon sa mga residente ng lungsod, pinanghihimasukan ni Sotto maging ang naisapublikong artikulo sa print at online news makaraang magpadala ito ng liham sa isang pahayagan at kinuwestyon kung saan nagmula ang artikulo hinggil sa resulta ng “Pulso ng Lipunan” survey.

Sa nasabing survey ay tumaas naman ang rating ng kanyang katunggali na si Sara Discaya.

Ayon sa independent survey nakakuha si Discaya ng 44 percent na suporta mula sa mga rehistradong botante sa lungsod na 2 puntos na lamang na mabana kumpara sa 46 percent ni Sotto.

Ayon sa mga residente, ang pagkwestyon ng alkalde sa artikulo ay maaaring magdulot ng “chilling effect” sa kalayaan sa pamamahayag.

Kinilala ng mga tumugon sa survey ang kakayahan ni Discaya na pagbutihin ang serbisyo sa lungsod at pagsawata sa red tape. (Mylene Alfonso)