Advertisers

Advertisers

P816-M shabu nasamsam sa Calapan

0 16

Advertisers

Aabot umano sa higit P816-milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na may timbang na 120 kilos ang nasamsam sa Calapan Pier Oriental Mindoro sa pinagsanib na puwersa ng PNP, PCG, PDEA at Port Police.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, galing Batangas Port ang kotse na patungo sanang Iloilo City ng maharang habang palabas ng Calapan Port.

Ayon kay PLtCol Roden Fulache hepe ng Calapan PNP nagtangka pa umanong tumakas ang driver pero naaresto din ng mga pulis.



Nabatid na galing pa sa Iloilo ang driver at lumuwas lamang sa Batangas para kunin ang kotse.

Ayon sa driver may nag-utos lamang sa kanya para ihatid sa Iloilo ang sasakyan.

Nakalagay ang mga nasabat na shabu sa loob ng mga maleta at bag. (RONALD BULA)