Advertisers
ARESTADO ang isang Chinese national sa buy-bust operation, kungsaan mahigit P217 milyon halahga ng shabu at ecstasy tablets ang nasamsam sa Bacoor, Cavite.
Sa ulat, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service at Regional Office IV-A, Cavite Provincial Office, Philippine National Police Maritime Police Station at Bacoor City Police Station ang isang alyas “Li”, 35 anyos, Chinese national, at residente ng Mandaluyong City.
Sa report, nagbebenta ang Intsik ng transparent self-sealing bag na naglalaman ng shabu, na humigit-kumulang 1 kilo na nagkakahalaga ng mahigit P6 milyon. Ang kanyang negosasyon sa isang poseur-buyer nangyari sa isang parking lot ng isang fast food restaurant sa kahabaan ng Bacoor Boulevard.
Nasamsam rin ng mga awtoridad mula sa Intsik ang 31 plastic bag na naglalaman ng shabu, na humigit-kumulang 31 kilo at nagkakahalaga ng mahigit P210 milyon, at 35 piraso ng red-colored ecstasy table na nagkakahalaga ng P42,000.
Kinumpiska rin ng pulisya ang isang kotseng Honda City at iba pang personal na gamit ni Li.
Sinabi ni PDEA Undersecretary Isagani Nerez na nakuha sa operasyon ang humigit-kumulang 32 kilo ng shabu, na may standard value P217.6 milyon. (Mark Obleada)