Advertisers

Advertisers

Motorcycle, bicycle lay-by zone , dapat isama na sa DPWH projects

0 60

Advertisers

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na tumataas ang bilang ng mga gumagamit ng motorsiklo at bisikleta bilang alternatibong transportasyon sa pagpasok ng trabaho o ano pa man.

Marami nang gumagamit ng motorsiklo at bisikleta dahil sa mga posibleng kadahilanan – kakulangan ng pangpublikong transportasyon, nais maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko, nais upang makarating ng mas maaga sa trabaho/appointment.

Hindi rin lingid sa atin kaalaman na lumolobo din ng bilang ng mga naaksidenteng gumagamit ng motorsiklo at bisikleta pero sa kabila nito, naniniwala naman si senatorial aspirant Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na may mga paraan na makatutulong para sa kaligtasan ng mga umaasa ngayon sa paggamit ng motorsiklo at bisikleta.



Isa sa nakita ni Abalos ay ang isama na sa mga plano ng paggawa ng lasangan at highway ang paglalagay ng “lay-by”. At siyempre, sino ba ang dapat na maglagay ng lay-by? Sino nga ba? E di ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan ay nananawagan si Abalos sa ahensya na isama na ang mga lay-by para sa mga motorsiklo at bisikleta sa kasalukuyan at hinaharap na mga proyekto sa kalsada.

“We are a motorcycle-riding public. We need to make roads, bridges, and flyovers more motorcycle-friendly,” We should aspire to be the most motorcycle- and bicycle-friendly nation in the world,” pahayag ni Abalos.

Hindi lang si Abalos, dating alkalde ng Lungsod ng Mandaluyong at kalihim ng DILG, kung hindi ang lahat ang nakapag-obserba na naging mahalagang bahagi na ng pang-araw-araw na pag-commute ng milyun-milyong Pilipino ang mga motorcycle taxi.

“With approximately 70,000 motorcycle taxis in the country, their role in easing the burden of commuters and supporting economic activity cannot be understated,” pagdiin pa ni Abalos.

Bilang dating chairman ng MMDA, itinutulak ni Abalos ang pagtatayo ng mga emergency lay-by area kung saan maaaring ligtas na sumilong ang mga motorcycle rider tuwing malakas ang ulan, sa halip na huminto sa mga delikadong lugar.



Kabilang sa mga lay-by area na itinayo sa ilalim ng kanyang pamumuno sa MMDA ang nasa ilalim ng Quezon Avenue flyover, pati na rin ang iba pang mahahalagang lokasyon gaya ng Ortigas, Santolan, Kamuning, Kamias, C-5, at Commonwealth Avenue. Ang mga lugar na ito ay may malinaw na mga senyales ng pasukan at labasan upang gabayan ang mga motorcycle rider.

Isinusulong ni Abalos ang pagpapalawak ng mga motorcycle lay-by zone sa labas ng Metro Manila, at nananawagan sa DPWH na ipatupad ang kahalintulad na mga pasilidad sa iba’t ibang urban center sa buong bansa. Bukod dito, hinihikayat din niya ang pagsasama ng mga bicycle lay-by sa bawat proyektong pang-imprastraktura sa kalsada upang matiyak ang mas ligtas na daan para sa mga siklista.

Bilang dating legal counsel ng mga transport group tulad ng mga samahan ng tricycle operators at drivers (TODA) at iba pang marginalized sectors, lubos na nauunawaan ni Abalos ang pang-araw-araw na hirap na kinakaharap ng mga rider.

Kamakailan, kinilala si Abalos bilang Road Safety Ambassador ng Motorcycle Philippines Federation at ng Motorcycle Road Safety Warriors.