Advertisers
ARVIN “Hurricane” Magramo ng Paranaque City ang bagong World Boxing Council International light flyweight champion.
Ang 28-year-old Magramo ay tinalo ang dating world champion Rene Mark “Might Mouse” Cuarto ng Zamboanga del Norte para magwagi sa pamamagitan ng unanimous decision nakaraang gabi Marso 20 sa Blow-by-Blow sa Okada Manila Hotel and Casino sa Paranaque.
Dalawang beses na pinadapa ni Magramo si Cuarto sa 5th round. Unang pinaluhod si Cuarto sa pamamagitan ng body shot at muling pindapa sa corner malapit sa lubid.
Hawak ngayon ni Magramo ang 19 wins 2 talo at one draw habang si Cuarto nalasap ang kanyang 8th setback na 23 wins at two draws.
Samantal, pinatigil ni Roderick “The Bone Crusher” Bautista ng General Santos City si Alec Xandrhe “The Rock” Bonita ng Mandaue sa 3rd round by a technical knockout.
Maagang na knocked down si Bonita, at tumaangging ipagpatuloy ang laban.
Ang 20-year-old Bautista, na nanateling undefeated ay may 8th wins at six knockout, nagwagi sa laban pero hindi nakuha ang WBC Asia Silver flyweight trophy matapos hindi natugunan ang weight.
Nalasap ni Bonita ang first setback matapos ang eight wins at two draws.
Inanunsyo ni Manny Pacquiao na ang big-time titles fight ay nakatakda sa Oktobre 4 sa 50th anniversary ng Thrilla in Manila.