Livelihood para sa mga kababaihan, itataguyod ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
MATAPOS ang matagumpay na pakikipag-dialogue ni Konsi Bong Marzan, Asenso Manileño candidate for councilor sa ika-apat na distrito ng Maynila , sa mga miyembro at opisyal ng Tricycle Drivers Association (TODA) sa Maceda, Makiling at Dimasalang Sts. tungkol sa kanilang planong sumailalim sa mga skills training tulad ng Barista, Hair Cutting, Barbering, Bread and Pastry production, ay pawang kababaihan naman ng ika-apat na distrito ang susunod na kakausapin ni Marzan tungkol sa kung paano ang mga magkakaroon o magsisimula ng kanilang sariling kabuhayan o livelihood.
Napapanahon ang planong pakikipag-usap sa mga kababaihan ni Marzan dahil ang buwang ng Marso ay buwan ng selebrasyon ng Women’s Month kung kaya’t bilang bahagi ng pagdiriwang ay kailangan na ipakita ng mga kababaihan sa Distrito Kuwatro na sila ay empowered at ito ay ang pagkakaroon ng sariling kabuhayan o livelihood.
Ayon kay Marzan na isa ring direktor ng Liga ng mga Barangay sa District 4 ay marami sa mga kababaihan, lalo na ang mga nanay na magkaroon sila ng sariling pinagkakakitaan. Ito ay upang magkaroon ng katuwang ang kanilang mister sa paghahanap-buhaybat makatulog sa pang-araw-araw ba gastusin.
Dahik dito ay planong magsagawa si Marzan ng community-based training program para sa mga kababaihan ng District 4 para mabigyan ang mga ito ng dagdag kaalaman na kanilang mapagkakakitaan.
Sinabi ni Marzan na pamamagitan ng pagsasanay na ito ay nabibigyan ng opurtunidad ang mga kababaihan ng District 4 na magkaroon ng karagdagang kita o sariling negosyo na makakatulong sa kanilang pamilya.
Upang maisakatuparan ito ay makikipag-ugnayan si Marzan sa Manila Manpower Development Center (MMDC), PESO-Manila at TESDA.
Kabilang sa mga kursong pwedeng pag-aralan sa isasagawang training ay soap making, hair cutting, massage at iba pa.
Ang nasabing pagsasanay sa mga kababaihan ng iba’t-ibang kaalaman ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ni Mayor Honey Lacuna na palakasin ang mga kababaihan sa larangan ng kabuhayan at entrepreneurship. (ANDI GARCIA)